Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa

Our Daily Bread 15-Day Edition

ARAW 5 NG 15

Pagdating nang Huli

Si Eddie, isang ateista na walang pigil sa pagsasalita, ay ginugol ang 50 taon ng kanyang buong buhay na itinatanggi ang pagkakaroon ng Diyos. Pagkatapos ay nagkaroon siya ng isang sakit na nakapagpahina sa kanya, at ang kanyang kalusugan ay unti-unting lumala. Habang nakaratay siya sa isang hospice house at naghihintay ng kamatayan, halos araw-araw siyang binisita ng ilang mga kaibigang Cristianong nakilala niya sa mataas na paaralan. Sinabi nilang muli sa kanya ang tungkol sa pag-ibig ni Cristo. Ngunit habang papalapit si Eddie sa kanyang kamatayan, tila lalo siyang hindi naging interesado sa Diyos.

Isang araw ng Linggo, isang pastor ang dumaan upang bisitahin siya. Sa pagkagulat ng lahat, sumabay sa kanyang panalangin si Eddie at humingi ng kapatawaran at kaligtasan kay Jesus. Pagkalipas ng ilang linggo, namatay siya.

Tinanggihan ni Eddie si Cristo sa loob ng 50 taon at 2 linggo lamang ang nagugol niya sa pagmamahal at pagtitiwala sa Kanya. Ngunit dahil sa kanyang pananampalataya, habambuhay niyang mararanasan ang presensya ng Diyos, ang Kanyang kaluwalhatian, pag-ibig, kadakilaan, at kasakdalan. Maaaring magreklamo ang iba na ito ay hindi patas. Ngunit ayon sa talinhaga ni Jesus sa Mateo 20, hindi ito tungkol sa pagiging patas. Ito ay tungkol sa kabutihan at biyaya ng Diyos (v.11-15).

Naghintay ka ba ng mahabang panahon upang magtiwala kay Jesus para sa kaligtasan kaya't iniisip mong maaaring huli ka na? Isaalang-alang mo ang magnanakaw sa krus, na nagtiwala kay Jesus bago siya namatay (Lucas 23:39-43).

Magtiwala kay Jesus ngayon, at tanggapin ang Kanyang kaloob na buhay na walang hanggan. Hindi pa huli ang lahat! —Dave Branon

Kung tinatawag ka ng Diyos ngayon,
Magtiwala na kay Cristo nang walang pagpapaliban;
Bukas ito ay maaring huli na
Kung ang kamatayan ay mangyayari at saraduhan ang iyong kapalaran. —Sper

Isang mapanganib na pagpapalagay ang sabihing, "Bukas," kapag sinabi ng Diyos na, "Ngayon!"

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Our Daily Bread 15-Day Edition

Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app