Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Ang Waggle Dance
Paano ba napapasunod ng mga bubuyog ang isa't-isa upang marating nila ang nektar ng mga bulaklak? Sinasabi ng mga siyentipiko na ang lahat ay may kinalaman sa "waggle" dance. Ang teorya ay pinag-alinlanganan nang ito ay unang iminungkahi ng dalubhasa sa mga hayop na si Karl von Frisch na nakakuha ng Nobel Prize noong dekada 1960. Ngunit ngayon, ang mga mananaliksik sa United Kingdom ay naglagay ng maliliit na radar sa mga worker bees upang suportahan ang teorya ni von Frisch. Pinatunayan nila na ipinupuwesto ng mga bubuyog ang kanilang mga katawan sa pinagkukunan ng pagkain at ginagamit ang lakas ng waggle dance upang ipahiwatig ang layo nito sa iba pang mga bubuyog.
Ang babaeng nakilala ni Jesus sa balon ni Jacob ay nakatuklas din ng isang paraan upang akayin ang kanyang komunidad sa kanyang natagpuan—ang tubig na nagbibigay-buhay (Juan 4:10). Sila ay naakit na matuklasan kung bakit sinasabi ng babaeng itong nagkaroon ng limang asawa at may kinakasama sa kasalukuyan na, "Halikayo, masdan ninyo ang isang Taong nagsabi sa akin ng lahat ng bagay na aking ginawa" (v.29).
Habang ang pulutong ay nasa daan, ang Nag-iisa na sa ibang pagkakataon ay tinawag ang Kanyang Sariling "ang tinapay na nagbibigay-buhay" (6:48) ay nagsabi sa Kanyang mga alagad na ang Kanyang pagkain ay natatagpuan sa paggawa ng kalooban ng Diyos (4:32,34).
Si Jesus ang tubig na nagbibigay-buhay at ang pagkain para sa ating kaluluwa. Ang pakikiisa sa Kanya upang gawin ang kalooban ng Diyos at tapusin ang gawain na ibinigay Niya sa atin ay ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain. —Mart DeHaan
Panatilihin ang iyong patotoong maliwanag at malinaw,
Upang makita at marinig ng mundo
Ang kaligtasan ng Diyos sa malayo man at malapit,
Upang maging ibang tao ay makilala Siya. —Hess
Kapag natagpuan mo ang pagkain para sa iyong kaluluwa akayin ang iba sa Pinagmulan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app