Our Daily Bread 15-Araw na EdisyonHalimbawa
Abutin Ang ...
Ang isang patalastas sa telebisyon ay nagtatanong, "Ano ang iyong inaabot kapag ikaw ay lubhang napapagod?" Pagkatapos ay nagmumungkahi ito, "Abutin ang [aming produkto]."
Ang bilang ng mga paraan ng pagsusumikap ng mga tao upang harapin ang malubhang kapaguran sa buhay ay kasindami rin sa bilang ng mga tao. Ang pag-inom ng alak. Ang paninisi sa Diyos. Ang pagbaling sa mga pagkain. Ang pagtatago ng ating mga nararamdaman. Ang paninisi sa ibang tao. Ang mga tugong ito ay maaaring magpatahimik sa atin, ngunit ito ay pansamantalang paraan lamang upang makaiwas sa ating mga problema. Walang produktong maari nating gamitin para maalis ang mga ito.
Sa Mga Awit 55, inilarawan ni Haring David ang kanyang pagnanais na makatakas mula sa kanyang mga kahirapan: "Itong aking puso'y tigib na ng lumbay . . . .Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad; hahanapin ko ang dakong panatag" (vv.4,6). Pagkatapos ng pagkakanulo ng kanyang kaibigan at tagapayo na si Ahitophel, na tumulong sa kanyang kaaway, nais ni David na umalis (v.12-13; tingnan ang 2 Sam. 15). Sa awit na ito ay sinasabi niya sa atin na inabot niya ang Diyos sa sakit na kanyang nararamdaman (v.4-5,16).
Ano ang pwede nating abutin? Nagmumungkahi ang manunulat na si Susan Lenzkes na abutin natin ang Panginoon at ibigay natin ang lahat ng laman ng ating puso sa Kanya. Isinulat niya, "Ayos lang yan— ang mga tanong, ang sakit, at ang galit ay maaaring ibuhos sa paanan ng Diyos ng Walang Hanggan at hindi Siya mapipinsala. . . . Sapagkat mapapahinahon tayo ng Kanyang pagmamahal mula sa yakap ng Kanyang mga bisig."—Anne Cetas
Kapatid, maaring ang iyong dinaraanan ay tila ang pinakamadilim na,
Kapag ang iyong mga mata na may luha ay malabo,
Patungo sa Diyos Amang nagmamadaling sumaklolo, Sabihin ang lahat ng iyong suliranin sa Kanya. —Anon.
Kapag inilagay natin ang ating mga kabigatan sa mga kamay ng Diyos, inilalagay Niya ang Kanyang lubos na kapayapaan sa ating mga puso.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nais naming hikayatin ka sa isang masinsinan, araw-araw, puso-sa-puso na relasyon sa Diyos. Milyun-milyong mga mambabasa sa buong mundo ang nagsisimula na sa kanilang pang araw-araw na debosyon gamit ang Our Daily Bread para sa mga sandali ng tahimik na pagmumuni-muni. Sa loob lamang ng ilang minuto sa bawat araw, ang mga nakapagbibigay inspirasyong mga kuwentong kayang magbago ng ating buhay ay itutuon ang iyong pansin sa iyong makalangit na Ama at ang karunungan at mga pangako ng Kanyang walang hanggang Salita.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.odb.org/app