Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Nag-umpisa ang pinakamalusog kong adiksyon noong bata pa ako at sinasamahan ko ang aking tatay sa madaling araw bago magbukang- liwayway. Paikot-ikot ako sa hagdanan habang humihilik pa ang buong bahay. Ang tatay ko ay nakaupo sa mesa sa kusina habang may umuusok na tasa ng kape, na hinaluan ng saganang gatas. At nakabukas sa harapan ng aking mapagmahal na tatay ang kanyang Biblia.
Kapag yumayakap ako kay Tatay habang ang mahaba at kulay mais na buhok ay buhol-buhol at nakasuot pa ako ng gusot na pajama, kukuwentuhan niya ako ng tungkol sa Biblia.
Ikukuwento niya sa akin ang mga kuwento tungkol kay David … at Abraham … at Noah … at Ester. Sasambitin niya sa akin ang ilan sa mga paborito niyang Mga Awit.
Ikinukuwento sa akin ni Tatay ang tungkol sa misyonaryong paglalakbay ni Pablo at ang katapangan ni Pedro.
Kapag nag-umpisa nang gumising ang iba pang tao sa bahay, tahimik akong aalis sa mesa at mag-uumpisang maghanda para sa araw. Pero isang pangangailangan ang napunan sa akin … Nakapaglaan ako ng oras kasama ang aking tatay at ang aking Ama sa Salita ng Diyos. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamayamang munting batang babae sa buong mundo.
Kahit na halos kalahating siglo na ang nakaraan mula nang tumira ako sa bahay kasama ang aking tatay, hindi pa rin ako makapag-umpisa ng araw kung hindi ako maglalaan ng mahalagang oras sa Salita ang Diyos.
May kahungkagan sa aking kalooban na ang kapangyarihan lamang na makikita sa Biblia ang makapagpupuno.
Pakiramdam ko ay niloloko ko ang sarili ko, at ang mundo kung saan ako nakatira, kung hindi ako naglaan ng oras sa pagbabasa ng Mga Awit o ang Aklat ni Juan o isa sa mga Sulat.
Ginagawang mura at abala ng adiksyon ko sa Biblia ang iba pang mga makamundong adiksyon. Ang mga umagang ginugugol ko habang bukas ang Biblia sa harapan ko ang pinaka-makabuluhang mga araw sa aking buhay.
Lumalapit ako sa Kanya kung sino ako … inaantok, gusot, at buhol-buhol. Tinitingnan Niya ako nang may pagmamahal sa Kanyang mga mata at tinatawag Niya ako mula sa mga panandaliang kasiyahan sa mundo. Alam Niya na sa lugar kung saan Siya ang pinipili ko at lahat ng Kung ano Siya ay kung saan sa wakas ay madidiskubre ko ang katuparan, layunin, at kapahingahan.
Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang paborito mong talata sa Biblia?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com