Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 7 NG 30

Sa gitna ng iyong mukha, na matatagpuan sa pagitan ng iyong isip at puso, ay isang puwang na tinatawag na iyong "bibig." Sa loob ng bibig na iyon ay may isang kalahating kilong kalamnan na kilala bilang iyong "dila."

Ang iyong dila ay matatagpuan sa pagitan ng iyong isip at iyong puso para sa isang dahilan. Ang iyong isip at iyong puso ay may hindi nakakainggit na kapangyarihan upang kontrolin ang bawat salita na nilikha ng iyong dila.

Ang iyong dila ay maaaring ang pinakamalakas at maimpluwensyang kalamnan sa iyong buong katawan ... ngunit ito ay kinokontrol ng iyong pag-iisip ... at ng iyong mga emosyonal na kagustuhan.

"Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay." ( Kawikaan 4:23 )

Ang puso ko ay ayaw na binabantayan kundi gustong ibalik ang pangit nitong sarili sa lahat ng tao sa aking paligid. Hindi sinasabi ng Biblia na ipahayag ang iyong puso ... sinasabi nito na bantayan ang iyong puso.

At pagkatapos ... kung ang aking puso ay hindi kayang humarap ... naroon ang aking isip.

“Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya.” (Kawikaan 23:7)

Hindi ko alam kung paano ito posible ngunit ito ay totoo ... kung isipin ko ito ... kung gayon ako ay nagiging ito.

“Yahweh, ako'y siyasatin mo at subukin, hatulan mo ang iniisip at ang aking hangarin." ( Mga Awit 26:2)

Dapat kong ilatag ang aking kalooban sa mesa ng pagsusuri ng Dakilang Manggagamot at payagan Siya na magsagawa ng operasyon sa aking puso at isipan.

Ang aking dila ay hindi ko problema, kundi ang impeksiyon na nakakubli sa aking puso at ang mga mikrobyo na nakadikit sa aking isipan.

Ang Dakilang Manggagamot lamang ang nakapagpapagaling sa sakit na pinahintulutan kong lumala sa pinakamalalim na bahagi ng aking pagkatao.

Habang ako ay gumagaling, mas nagiging katulad Niya ako. Habang gumagaling ako, nagsisimula akong mag-isip tulad ng iniisip Niya … Nagsisimula akong madama ang nararamdaman Niya … Nagsisimula akong magsalita ng mga salitang sasabihin ng Kanyang dila.

Kapag ang Dakilang Manggagamot ay inanyayahan na gamutin ang salot sa aking isipan at damdamin, hindi lamang Niya inaalis ang impeksyon … kundi mahimalang ginagawa Niya akong katulad Niya.

Masayang Kaisipang Pagnilayan: Bakit itinuturo ng Biblia na, “Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila”?

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com