Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Habang mga higante at pagkatalo lamang ang nakita ng iba… pinili nina Josue at Caleb na tumingin lamang sa kalakasan at kapangyarihan ng kanilang Panginoon.
Habang ipinagsawalang-bahala ng iba ang tinig ng Diyos … pinakinggan nina Josue at Caleb ang Kanyang tinig.
Habang ang iba ay naduwag at natakot … sinunod nina Josue at Caleb ang Panginoon nang buong puso.
Ngayon ay matanda na si Caleb at mayroon pang isang desisyon na dapat gawin.
Mamamahinga na lang ba siya o pangungunahan nila ni Josue ang bayan ng Diyos sa mas malalaki pang tagumpay?
"Apatnapung taon pa lamang ako noon nang sinugo ako ni Moses na lingkod ng Diyos upang manmanan ang lupaing ito, at iniulat ko sa kanya ang buong katotohanan.
Kahit na ang bayan ay tinakot ng ibang kasama natin, buong katapatan pa rin akong sumunod kay Yahweh na ating Diyos.
Kaya't ipinangako sa akin noon ni Moises na dahil sa aking buong katapatan sa pagsunod kay Yahweh, magiging bahagi ko at ng aking mga anak ang lupang matapakan ng aking mga paa.
Apatnapu't limang taon na ang lumipas buhat nang sabihin ito ni Yahweh kay Moises. Noo'y naglalakbay pa sa disyerto ang bayang Israel. Iningatan ni Yahweh ang buhay ko hanggang ngayon. Walumpu't limang taon na ako ngayon.
Ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako'y isugo ni Moises upang siyasatin ang lupaing ito. Kaya ko pang makipaglaban at gawin ang kahit anong trabaho.
Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulang ipinangako sa akin ni Yahweh." (Josue 14: 7-12a)
Sa ika-walumpu't limang kaarawan ni Caleb, humiling siya muli sa Diyos ng isa pang bundok!
Ipinahayag ni Caleb na ang kanyang kalakasan ay hindi kumupas at mayroon pa siyang lakas ng loob para sa mas maraming digmaan at mas maraming bundok.
Ang isang lalaki…o isang babae … kapag umaapaw sa kapangyarihan ng Diyos … ay may kakayahang magtagumpay ng hindi mabibilang na mga digmaan.
Anong bundok ang nakatalaga sa iyo?
Alam kong tutugunin and mga panalangin at ang tinig ng Dios ay maririnig lahat … dahil ikaw at ako ay tumugon sa panawagan nina Josue at Caleb sa ating sandali sa kasaysayan.
Masayang kaisipang Maaaring Pagnilayan: Ang Mga Hebreo 11 ay ang "Bulwagan ng Kabantuganan" ng mga taong may pananampalataya. Kung magsusulat ang Banal na Espiritu patungkol sa iyong buhay, ano ang Kanyang sasabihin?
Praktikal na Pagsasabuhay:
Ngayong araw na ito, pwede mo ba akong padalhan ng email sa at carol@carolmcleodministries.com? Pwede mo bang sabihin sa akin kung paano ang katuruang ito ay nakatulong sa iyo at paano kita maipapanalangin! Inaasahan ko ang iyong tugon!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com