Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 22 NG 30

Ano ang gagawin mo kapag natagpuan mo ang iyong sarili sa "paghihintay"?

“Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig? Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos, ang siyang lumikha ng buong daigdig? Hindi siya napapagod; sa isipan niya'y walang makakaunawa.” (Isaias 40:28)

Pinag-iisipan ko kung ang pananatili sa paghihintay ay higit na isang lugar ng kapangyarihan kaysa sa lugar ng kahinaan na siyang inaakala ko.

Ang mga araw na ginugugol ko sa paghihintay ay ang mga panahon na nakikita ko ang aking sarili na gumugugol ng maraming oras na nakaluhod.

Ang mga araw na ako ay naghihintay, gumugugol ako ng mas maraming oras sa Salita. Ang Salita ay umaaliw sa aking pagod na puso habang ako ay naghihintay.

Ang mga araw na ako ay naghihintay, gumugugol ako ng mas maraming oras sa pagsamba. Inilalagay ng pagsamba ang aking mga mata sa kung sino Siya!

Sa paghihintay ko natutuklasan na hindi ako nag-iisa. Kasama ko Siya sa paghihintay. Walang ibang nilalang na mas gugustuhin kong makasama sa paghihintay kundi Siya.

Nakikita kong mas makapangyarihang pagpili ang maghintay na lang na kasama Niya kaysa maghintay na kumilos ang Kanyang kamay.

Sa paghihintay ko natuklasan ang isang lakas na hindi ko kailanman natamo. Imposibleng maghintay at manatiling mahina kapag naghihintay ang isang kasama Niya.

"Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinalalakas." (Isaias 40:29)

Ang paghihintay ay hindi para sa mga lampa. Pero ... marahil ang paghihintay AY para sa mga lampa. Marahil, sa paghihintay, ang lampa ay nagiging mandirigma.

Ang malaking pagkakaiba ay kung Sino ang kasama mo sa paghihintay.

Dito rin … sa paghihintay na kasama Siya … natuklasan ko ang isang katatagan na hindi ko kailanman tinaglay.

Dito rin … sa paghihintay na kasama Siya … na ang pangitain ay nililinang at ang mga pagnanasa ay dinadalisay.

“Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. …” (Isaias 40:30)

Sa tingin ko ako ay naghihintay lamang … nananatili lamang hanggang sa mangyari ang buhay … ngunit nakikita Niya ang paghihintay bilang isang bagay kung saan ang buhay ay nilikha. Ginawa ako ng Diyos para sa paghihintay at para sa gawaing ginagawa nito sa akin.
Ang paghihintay. Siya at ako. Ako at Siya. Ito ang aking paboritong lugar.

Masayang Pag-iisip na Pagnilayan: Ano pa ang hinihintay mo ngayon? Paano ka “maghihintay nang mabuti”?

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com