Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 21 NG 30

Mayroon bang sinuman sa inyong "nahihirapan" ngayon?

Maaaring maramdaman mo na tila nasa dulo ka na ng iyong tapang … sa dulo ng iyong lakas … sa dulo ng iyong kagalakan.

Marahil ang mga salitang sinabi ng Diyos kay Moises halos 3,500 taon na ang nakalilipas ay tatatak sa iyong puso ngayon:

“Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio ang aking bayan. Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko ang kanilang pagdaing. Kaya't bumabâ ako upang sila'y iligtas, ilabas sa Egipto at ihatid sa lupaing mainam, malawak, mayaman, at sagana sa lahat ng bagay.” (Exodo 3:7 & 8a)

Huwag ipagpalagay kahit isang minuto na binabalewala ng Diyos ang iyong buhay o hindi Niya alam ang iyong personal na sakit. Tiyak na nakita ito ng Diyos! Hindi Siya bulag, at hindi rin Siya nakakalimot. Siya ay matamang tumitingin sa iyong buhay at hindi ka pinapabayaang mag-isa.

Dininig ng Diyos ang iyong panalangin at darating ang tulong! Hindi kailanman binabalewala ng Diyos ang panalangin ng isa sa Kanyang mga anak. Ang taimtim na panalangin na iniiyakan … o ibinubulong … o isinisigaw … o binibigkas … o kahit na naiisip … ng isang desperadong anak ay nakakakuha ng atensyon ng Ama. Narinig Niya ang iyong sigaw!

Alam ng Diyos ang iyong mga paghihirap. Alam Niya ang bawat detalye ng bawat pagkabigo ng bawat araw na puno ng sakit at ng bawat mahaba at malungkot na gabi. Wala kang masasabi sa Kanya na “bagong” balita sa Kanya. Napakasarap maglingkod sa Diyos na nakauunawa sa sakit ng tao! Batid Niya ito!

Bumaba Siya para iangat ka! Ang Diyos ay nakikibahagi sa gulo ng ating buhay, itinataas ang Kanyang mga manggas at nagsisimulang magtrabaho.

Ang Diyos ni Moises ay ang Diyos MO! Bakit hindi mo tagpuin ang Diyos sa ilang ng banal na pagtatalaga upang makinig sa Kanyang tinig? May pakiramdam ako na iisa ang sasabihin NIYA sa iyo tulad ng sinabi Niya kay Moises ...

Siguradong nakita Ko na!

Dininig Ko ang sigaw mo!

Alam Ko ang iyong mga paghihirap!

Bumaba Ako para iangat ka!

Masayang Kaisipan para Pagnilayan: Ano ang pinakamahirap na karanasan na naranasan mo sa buhay? Paano mo nakitang kumilos ang kamay ng Diyos para sa iyo noong panahong iyon?

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com