Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 20 NG 30

Nagkaroon na ba ng sandali na tinanong mo, "Ano ang dapat kong gawin sa natitirang bahagi ng aking buhay?"

Naitanong mo na ba, "Ano ang gagawin ko sa oras na natitira ko sa mundo?"

Ang buhay ay hindi kailanman sinadya upang mabuhay sa loob.

Ang buhay ay sadyang sinadya upang mabuhay … nang sagana at ganap!

Ang buhay ay palaging nilalayong mapuno ng walang hanggang kahulugan.

Ang buhay, kapag ipinamuhay nang naaangkop at sa kabuuan nito, ay inilaan upang ibigay.

At kaya nga, nakagawa ako ng ilang simple ngunit mahahalagang pangganyak.

Ganito ako mabubuhay nang may kagalakan:

Ngingitian ko ang mga bata at hahalikan ang nakakagigil na mga pisngi ng mga sanggol.

Pakikinggan ko ang karunungan ng mga mas nakatatanda sa akin at pararangalan ang kanilang pananaw na hango sa karanasan.

Tatawa ako araw-araw … yayakapin ang aking asawa … at tatawagan ang aking ina.

Mananatili akong nakikipag-ugnayan sa mga dating kaibigan ... magkakaroon ng mga bagong kaibigan ... at susubukang magpadala ng mga maikling liham ng pasasalamat.

Ipagdiriwang ko ang Pasko nang may pagpipitagan at may pagkasabik.

Tatanggapin ko ang Araw ng Pasasalamat bilang isang pamumuhay at hindi bilang isang pista opisyal lamang.

Kukunin ko ang saya ng isang ordinaryong araw.

At, napagpasyahan kong mamumuhay ako nang may malinis na karangalan at hindi ikokompromiso ang moralidad. Ito ang tinutukoy ko:

Mabilis akong magpapatawad at pakakawalan ang aking galit sa paglubog ng araw.

Magdadala ako ng kapayapaan sa mga relasyon at sa nakalilitong mga pangyayari.

Pipiliin kong magbigay ng higit sa natatanggap ko at bumuo ng buhay sa kabutihang-loob, hindi sa materyal na pakinabang.

Iiwas ako sa tsismis at sa pakikibahagi sa mga negatibong pag-uusap.

Ngunit ang pinakamalaking determinasyon ng aking buhay ay noon pa man, at palaging magiging, ang ibigay ang aking buhay para sa kapakanan ng Ebanghelyo.

Mabubuhay ako upang gawing mas maliit ang impiyerno at mas malaki ang langit.

Gugugulin ko ang oras sa Salita ng Diyos at hihingi sa Diyos ng kaalaman sa paghahayag.

Ilalaan ko ang aking buhay sa panalangin.

Hahayaan ko ang Diyos na gamitin ang aking buhay bilang sisidlan para sa Kanyang kaluwalhatian at para sa Kanyang kabutihan.

Sasamba ako kapag gumuho ang mundo sa paligid ko.

Masayang Pag-iisip na Pagnilayan: Sumulat ng pasasalamat sa isang tao na nagdulot ng kagalakan sa iyong buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com