Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
"Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos." (Mga Taga-Roma 8:26 & 27)
Pananalangin lang ang mayroon ako. Ang panalangin ang tanging kapangyarihan na may anumang potensyal na gumawa ng pagbabago.
Mapupudpod ang karpet sa tabi ng aking higaan sa pamimilit at pagpupumilit ng dalawang nasa katanghaliang-gulang na mga tuhod na ang pasya ay naitakda na. Walang makakagalaw sa akin mula sa labanang nagaganap mula sa posisyong ito.
"Kung maganap na ito, kayo'y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo." (Jeremias 29:12)
Ako ay babangon sa umaga na may pagsamba sa aking puso at isang panalangin sa aking mga labi.
Ihihiga ko ang aking ulo sa gabi na may kaaliwan na ang isang araw na ibinigay sa panalangin ay isang kahanga-hangang araw!
“Dahil dito, lagi namin kayong idinadalangin sa Diyos, na nawa'y maging karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng mabuti ninyong hinahangad, at maging ganap ang inyong mga gawaing ibinunga ng pananampalataya.” ( 2 Tesalonica 1:11)
Maninindigan ako sa pananampalataya at patuloy na maniniwala para sa mahimalang pagbabago ng mga sitwasyon, mga kalagayan, at mga pangyayari.
Bagama't ang aking mga panalangin ay maaaring hindi nagbabago ng isang sitwasyon, alam ko na ngayon na ang aking mga panalangin ay talagang magbabago sa akin.
Kapag ako ay nananalangin, si Jesus ay naluluwalhati sa akin at ako ay naluluwalhati sa Kanya.
“Ganito kayo mananalangin,
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
Nawa'y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’” ( Mateo 6:9-13)
Masayang Kaisipang Pagnilayan: Ano ang ibig sabihin ng “ipanalangin ang kalooban ng Diyos”?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com