Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Nagtataka ka ba kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang mga taong nakakainis sa iyong buhay?
Ang nakakainis at nakakadismayang mga tao ay pumapasok sa aking mapayapang mundo at ginugulo ang aking katatagan dahil sa kanilang karupukan!
Bakit hindi ko na lang makilala sina Pollyanna, Santa Claus, at Mother Theresa sa paglalakbay ng aking buhay? Bakit parang napuno ang buhay ko ng mga Grinch, Barney Fife, at ng isa o dalawang pangit na kinakapatid?!
Ang Diyos ay madalas na naglalagay ng mga nakakainis na tao sa aking buhay hindi upang ilabas ang pinakamasama sa akin ... kundi upang ilabas ang pinakamahusay sa akin!
Marahil ang dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Panginoon ang ating buhay na humarap sa nakakainis na mga tao ay hindi para ilabas ang "makasarili" sa atin ... kundi upang ilabas ang Jesus na nasa atin.
Hinahamon ako ng Diyos na mahalin ang hindi kaibig-ibig … na pangalagaan ang isang taong dumura sa aking mata … at pag-usapan nang may kabaitan ang isang taong sumira sa aking reputasyon dahil sa kanilang tsismis. Mahal ako ng Diyos kapag ako ay nasa pinakamasama ko – at tinatawag Niya ako sa bawat sitwasyon at sa bawat relasyon upang maging katulad Niya.
"Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos." ( Mga Taga-Efeso 5:1 & 2 )
Kapag lumakad ka sa pag-ibig at piniling maging mabait sa halip na magalit, sinasabi mo, “Kikilos akong tulad ng Tatay ko! Mayroon akong minana sa pamilya na nagbibigay-daan sa akin na mahalin ang nakakainis na mga tao!”
Kapag tayo ay tumutugon nang may taos-pusong pagmamahal sa pagkukulang ng iba, nadarama ko na ang Diyos, ang Ama, ay nakangiti mula sa langit at buong pagmamalaking nagpapahayag, “Tingnan mo ang Aking nakatutuwang anak! Siya ay kumikilos tulad Ko!"
“Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.” ( Mateo 5:44 )
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Jesus sa mundo dahil tayo ang nakakainis na mga taong nangangailangan ng kapatawaran at pagmamahal. Huwag pahintulutan ang mga nakakainis na mga tao na guluhin ang iyong emosyon o nakawin ang iyong kapayapaan at kagalakan. Kundi hayaan ang mga taong mapalabas ang pagkakahawig mo sa pamilya … dahil kung tutuusin … kamukha mo ang iyong Tatay!
Masayang Kaisipan para Pagnilayan: Gumawa ng listahan ng mga nakakainis na mga tao sa iyong buhay. Ngayon, manalangin para sa kanila at hilingin sa Diyos na tulungan kang mahalin ang mga taong ito tulad ng pagmamahal Niya sa kanila!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com