Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 24 NG 30

“Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.” - Lucas 18:1

Gusto kong maging isang mandirigma sa panalangin. Gusto kong manahan sa isang lugar na may taos-pusong komunikasyon at matamis na pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Ang panalangin ang puwersang nagpapanginig sa impiyerno sa takot habang tumatayo at pumapalakpak ang nasa sangkalangitan.

Walang panghabang panahong nagagawa sa lupa kung wala ang kapangyarihan at pagtutuon ng isang banal sa disiplina ng panalangin.

Ang panalangin ang behikulo kung saan ang pinakadakilang gawain ng aking buhay ay gagawin.

"Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon." ( Marcos 11:24 )

Inaasam ko ang aking mga panalangin na makapagpalipat ng mga bundok, magpatahimik ng mga bagyo, at magpagaling ng mga maysakit. Hinahangad ko ito araw-araw.

Gayon pa man ... araw-araw ... ang nakikita ko ay sunud-sunod na bulubundukin. At sa lahat ng aking mga kabundukan, tila laging may isang mabangis at mapanghamong bagyo.

“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” (Mga Taga-Filipos 4:6 & 7)

Dapat kong sabihin sa iyo ... tumanggi akong sumuko. Tumanggi akong maparalisa o mapilayan sa nakikita ng aking mga mata. Magdadasal ako kapag sumuko na ang iba. Magdarasal ako sa kabila ng tahimik na langit.

Ako ay magdadasal kapag ang mga bagyo ay nanunuya at kapag ang mga bundok ay nanlilibak.

"Palagi kayong manalangin." ( 1 Mga Taga-Tesalonica 5:17 )

Tumatanggi akong maniwala na ang panalangin ay isang pag-aaksaya ng oras. Itatakda ko ang aking pasya at magdarasal kapag walang nagbabago.

Magdarasal ako sa dilim ng gabi kapag minamaliit ng matataas na bundok ang halaga ko.

Magdarasal ako kapag ang ungol ng mga unos ng buhay ay nagbabantang lunurin ang lakas ng aking desperadong panalangin habang nag-iisa.

Magdarasal ako sa harap ng sakit at kirot. Ako ay magsusumamo sa matamis na presensya ng Diyos upang pagalingin at panumbalikin.

Magdarasal ako!

Masayang Kaisipang Pagnilayan: Ano ang pinakamagandang sagot sa panalangin na natanggap mo?

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com