Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 1 NG 30

Sa loob ng maraming taon, ako ay isang Cristianong nakakaranas ng matinding kalumbayan. Mahal na mahal ko ang Panginoon at alam ko naman na pupunta ako sa langit kapag namatay ako. Gayunpaman, hindi ko matagpuan ang kagalakan ng Kanyang presensya sa lupa. Pakiramdam ko'y wala akong pag-asa at kapayapaan. Ang malalim na guwang ng depresyon ang aking palaging kasama at ang aking pangit na kaibigan.

Ang depresyon na ito ay nagsimula sa isang pakikipaglaban sa pagkabaog. Nagpadala ako ng 5 sanggol sa langit na lahat ay nabuhay lamang sa aking sinapupunan sa pagitan ng 12 at 20 linggo. Ang bawat paglilihi ay isang himala... at ang bawat pagkagambala ay isang pagguho at nakakasakit ng damdaming pagkawasak.

Ang aking mga hormon ay hindi makontrol... ang aking pag-asa ay nawala... at ang aking mga braso ay walang hinahawakan. At higit sa lahat, ang puso ko'y durog.

Bagama't nagsilang na ako ng 2 masasayahin, nakakatuwa at malilikot na mga batang lalaki, alam ko na ako ay nilikha upang maging ina ng higit pa. Ang pagiging ina ang aking tadhana at ang aking tungkulin. Bakit naging mahirap ang lahat?

Sa mga nakakatakot at tila walang pag-asang mga araw na iyon, nagkaroon din ako ng adiksyon. Ang aking pagkagumon ay hindi natagpuan sa mga gamot na nabibili, o sa isang boteng nakakalasing, at hindi rin ito nakakabit sa sobra-sobrang pagkain.

Ang aking pagkagumon… ang pinili kong gamot… ay tunay na isang himala. Habang ako'y nanlulumo at naliligalig dahil sa sakit ng mga naudlot na pag-asa, hindi nasagot na mga panalangin, at isang katawan na nagtataksil sa akin, naging gumon ako sa Salita ng Diyos.

Sa panahon ng kadiliman, ang Biblia ay pinagmulan ng kagalakan at liwanag.

Sa mahahabang gabi ng kawalan ng pag-asa, ang Salita ng Diyos ay nagbigay ng mga pangako at layunin.

Sa mga buwan ng panghihina ng loob, ang Biblia ay isang tinig ng pampatibay-loob at pagpapala.

Wala pa ring laman ang aking mga braso, ngunit puno ang aking puso. Ang aking mga panalangin ay hindi pa sinasagot, ngunit lalo akong umiibig sa Kanya... paulit-ulit.

Dadaanan ko ang bawat madilim na araw ng depresyon upang makilala si Jesus sa paraang kilala ko Siya ngayon.

Muli akong maglalakad sa lambak ng kawalan at pagkabigo upang maabot ang mapanghamon at masayang babae na nararanasan ko ngayon.

Kaisipang Masayang Isipin: Kung ang kagalakan ay talagang matatagpuan sa Kanyang presensya, bakit maraming mananampalataya ang nahihirapang manatili sa isang lugar ng kagalakan?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com