Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Wala akong masyadong alam tungkol sa agrikultura, ngunit ito ang alam ko: kapag ang isang magsasaka ay nagtanim ng mga buto ng pipino ... ang mga pipino ay tutubo. Kapag ang isang hardinero ay nagtatanim ng mga buto ng sunflower … tumutubo ang mga sunflower sa lugar na iyon. Totoo sa bawat sangay ng agrikultura at botanika na ang nagtatanim ay hindi maiiwasang aani ng naihasik. Kung ang isang magsasaka ay magtanim ng mga buto ng labanos, hindi siya mag-aani ng mga karot. Kung ang isang hardinero ay nagtatanim ng rosas ... hindi na kailangang mag-alala na ang mga singkamas ay tutubo sa lugar na iyon.
Gayunpaman, ang Biblia ay gumagawa ng isang kaibahan sa wasto at siyentipikong tuntuning ito:
"Silang tumatangis habang nagsisipagtanim, hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan." ( Mga Awit 126:5 )
Kung ang iyong buhay ay puno ng sakit at kalungkutan at luha, hayaan mong tiyakin ko sa iyo na ang iyong buhay ay may higit na potensyal para sa tunay na kagalakan kaysa sa buhay ng isang taong nabuhay na sa loob ng puting bakod habang nagbabantay sa mga sampaguita ng kanilang buhay. Sinasabi ng Biblia na ang lahat ng iyong mga luha ay talagang mahimalang aani ng kagalakan at tuwa.
Inaalis ng Diyos ang mga luha ng pagkabigo at kalungkutan, pinatataba ang mga ito ng Kanyang presensya, at mula sa lugar na iyon ng matinding sakit ay lalabas ang masaganang ani ng kagalakan. Hindi ka malaya sa himalang ito, ni hindi ka naiwan sa pangakong ito.
Tanging ang Diyos lamang ang maaaring kunin ang iyong pinakamasamang pagkatalo, ang iyong pinakamatinding sakit, at ang iyong pinakamapanghinang sandali ng kalungkutan at gawin itong Kanyang mapaghimala at hindi mapapalitang kagalakan. Tanging ang Diyos lamang.
Pagbubungahin mo ba ang mahirap na lugar na ito sa iyong buhay sa pamamagitan ng pagsamba? Magpapasya ka ba ngayon na kumanta sa kabila ng matinding pagkabigo at mga taon ng panghihina ng loob? Kapag nagpasya kang magsaya sa Panginoon, matutuklasan mo na ang kagalakan ay lumilitaw kung saan ang sakit ay dating nanghihimasok sa tuwina.
Kapag nagsimula kang umawit sa kabila ng sakit at pagkabigo, matutuklasan mo ang pinakamaluwalhating regalo sa lahat ... Dumating na si Jesus! Darating Siyang naglalakad patungo sa iyo sa mga taon ng pagkabigo at kalungkutan. Hindi Siya dumarating nang mag-isa, kundi kasama Niya ang masiglang kaloob na sumusunod sa Kanya saan man Siya magpunta … ang regalo ng kagalakan!
Masayang Kaisipan para Pagnilayan: Gumawa ng listahan ng mga tao sa iyong buhay na nangangailangan ng regalo ng kagalakan. Ipanalangin mo sila ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com