Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 9 NG 30

Lumilipas ang buhay, hindi ba? Lumilipas ang panahon na walang paghingi ng paumanhin sa kanino man.

Ang panahon ay isang rumaragasang pagguho na tila pabilis ng pabilis habang lumilipas ang mga taon ng malabong mga alaala, kapaitan, kasiyahan, at mga pagsubok.

Paano natin susunggaban at hahawakan ang napakahalagang bagay na ito na ang tawag ay “panahon”? Bakit ba ang buhay ay humuhulagpos lang sa ating mga daliri na tila tubig sa salaan?

Isa sa mga realisasyon na magtutuos na ang buhay ay maluwalhati ay ang katotohanang ang buhay na ito ay hindi kailanman nilayon na tumagal magpakailanman.

Ang kaluwalhatian ng buhay ay nakikita sa tiyak at sigurado nitong paglipas. Ang buhay ay parating gumagalaw sa mabilis at may layuning bilis, hindi ba?

Walang anuman ang nananatiling pareho, ito ang dahilan kung bakit ang bawat saglit ay isang malaking regalo at ang ordinaryong araw ay ginagawang kayamanan na may walang hanggang halaga.

Isa sa mga pinakamamahal na aral ng pagpiga sa ganap na kagalakan at pagkamangha sa buhay ay ang kakayahang manatiling mapagpasalamat sa lahat ng panahon.

Ang pamumuhay na may pagpapasalamat ay may mapagmilagrong kapangyarihan na siyang ginagawang tagumpay ang mga pagsubok at hinuhugis ang sakit para sa isang layunin.

Pag-aralan mong magpasalamat kung ano ang mayroon ka ngayon bago hayaang ang panahon at pagsisisi ang maging dahilan para makita mo ang ganda ng nakaraan.

Alam mo ang lahat ng mga bagay na binalak mong gawin … lahat ng mga dakilang bagay na pinangarap mong makamit sa iyong buhay? Humayo ka dapat at gawin ang mga iyon … ngayon kung posible.

Hindi pa naipangako ang bukas sa atin … at ngayon ang pinakadakilang regalo na naibigay.

Hindi talaga tayo ginawa para sa “panahon" hindi ba? Tayo ay nilalang ng walang hanggan, kung kaya hindi ang buhay na ito lamang ang tumutukoy sa atin, ang nagbibigay sa atin ng katuparan o nagpapabago sa atin.

Ang ngayon ay maglalaho tulad ng hamog sa mga damo sa umaga. Pero ang halaga ng hamog na nagbibigay kahulugan sa buhay na ipinagkaloob sa atin ay makikita sa walang katumbas na halaga at walang katapusang bagay kung saan gawa ang walang hanggan.

“Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas..” (Ang Mangangaral 3:11 Rtpv05)

Kaisipang Masayang Isipin: Kung bibigyan mo ng payo ang sarili mo na edad 18, anong payo ang ibibigay mo?

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com