Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Pagpapala.
Nitong mga nakaraang araw pinag-iisipan kong mabuti ang tungkol sa pagpapala. Sinubukan kong ibalot ang aking isip … aking puso … at ang aking espiritu sa pagpapala.
Sa isang banda ito'y isang relihiyosong salita.
Sa kabilang banda ito'ý isang klase ng yakap na pinakamabuti at pinakamainit.
Hangad kong tanggalin ang relihiyon sa "pagpapala" at ibalabal ito sa akin tulad ng isang kumot na tinahi ng may pag-ibig.
Pagpapala.
Ito ang alam ko … ang pagpapala ng Diyos ang pinakamahusay na regalong natanggap ko.
Kailangan ko ng pagpapala. Matindi ang paghahangad ko dito na ibinigay sa akin ng buong rangya … labis-labis … napakabuti.
Anumang biyaya ang mayroon ka ngayon … mayroon ka nito dahil sa pagpapala.
Kung binabasa mo ang gabay na ito ngayon … binabasa mo ito dahil sa pagpapala.
Kung kumakanta ka sa worship team … hindi ka nakarating doon dahil sa sarili mo. Pagpapala ang nagdala sa iyo doon.
Kung nakapaglakbay ka sa isang misyon … hindi ka nakarating doon dahil sa sarili mo … pagpapala ang nagdala sa iyo doon.
Kung binasa mo ang iyong Biblia ngayong umaga … hindi mo ito ginawa o pinili sa sarili mo. Pagpapala ang gumawa nito para sa 'yo.
Kung gusto mong malaman kung ano ang ibig sabihin ng pagpapala … basahin mo ang Juan 15:16.
“Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili ko. Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga at manatili ang inyong bunga upang ang anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.” (Juan 15:16 Rtpv05)
Kung gusto mong malaman kung ano ang pagpapala … tandaan mo ang Juan 15:16.
Ang pagpapala ay siyang ibinibigay ng Diyos sa tao … mga taong may kapintasan, wasak, at makasalanan.
Ang pagpapala ay ang puso ng Diyos sa Kanyang mga minamahal na anak na naging dahilan ng pagbibigay Niya ng buong sarili at ng lahat ng mayroon Siya.
“Ang labis-labis na yaman ng Kanyang pagpapala.”
“Ang mga yaman ng Kanyang pagpapala na ibinibigay niya ng labis-labis sa atin.”
“Sa pagpupuri sa kaluwalhatian ng Kanyang pagpapala.”
Kay gagandang mga salita na literal na nagbibigay ng nakasasabik na kagalakan sa aking puso..
Ang pagpapala ay para sa akin. Hindi ako karapat-dapat na tumanggap nito. Wala akong ginawa para makuha ito. Pero ipinagkaloob Niya.
Isipin mo yun!
Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang iyong depinisyon sa salitang "pagpapala”?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com