Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
May dinaramdam ka ba sa iyong kalooban ngayon na halos di mo makayanan?
Nawala na ba ang pagnanais mong umawit … mangarap … umasa … magpatuloy?
“Hanggang kailan, Yahweh, ako'y iyong lilimutin?
Gaano katagal kang magtatago sa akin?
Gaano katagal pa itong hapdi ng damdamin,
at ang lungkot sa puso kong gabi't araw titiisin?”
(Mga Awit 13:1 & 2 Rtpv05)
Laging may mga pagkakataon sa buhay na ang mga araw ay matamlay … na ang mga oras ay walang kahulugan … at kung kailan ang mga minuto ay sadyang nakakainip.
Sa mga sandaling iyon ng hindi mapigilang lumbay at kumikirot na kalungkutan, kailangang yakapin ko ang isang istratehiya.
Ang Mang-aawit ay nagpapaalala sa akin kung ano dapat ang istratehiya
na ito …
“Nananalig ako sa pag-ibig mong wagas,
magagalak ako dahil ako'y ililigtas.
Yahweh, ika'y aking aawitan,
dahil sa iyong masaganang kabutihan.” (Mga Awit 13:5 & 6 Rtpv05)
Nagtiwala ako!
Kung ikaw ay nalulugmok sa basura ng buhay … subukan mong magtiwala.
Kung naroon ka sa balon ng kawalan ng pag-asa … subukan mong magtiwala.
Hindi kailanman importante kung gaano kahirap o gaano ang kabiguang nangyari sa buhay mo, dahil ang mapagmahal at mabuting Diyos ay hindi nagbabago.
Ang puso ko ay magagalak!
Kausapin mo ang puso mo at sabihin dito ang dapat gawin: “Puso … panahon na para magalak!”
Wala dapat kabiguan ang sapat para patahimikin ang awit ng puso.
Ang personal mong awit ay pinakamalinaw at nasa pinaka matatag kapag inawit ito sa gitna ng kawalan ng pag-asa ng tao. Magtiwala ka sa akin. Alam ko.
Ako ay aawit!
Ngayon ay panahon para ibuka ang iyong bibig at hayaang ang himig ay marinig ng buong mundo!
Umawit ka kapag hindi mo gustong umawit.
Umawit ka kung ang kaluluwa moý nasasaktan.
Basta umawit ka.
Binigyan Niya ako ng masaganang kabutihan!
Anong kagalakan ang deklarasyong iyon! Naglilingkod ako sa Diyos na Siyang nagbigay sa akin ng higit sa karapatdapat sa akin!
Ako ay aawit at Siyaý aking pararangalan!
Kaya hayan, mga pangyayari!
Sa iyong mukha, panghihina ng loob!
Maaari bang kung Siya ang aking pinipili … nagbibigay kagalakan ito sa Kanyang puso?!
Maaari bang … kapag ako ay umaawit sa kabila ng sakit na nararamdaman … umaawit Siya at sinasabayan ako?!
Posible ba yun?!
Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang paborito mong awitin kapag ang mundo mo ay nawawasak?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com