Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Madalas … Pakiramdam ko nakikipag-away ako sa kapalaran.
Sa mga sandaling nakikipag-agawan sa pangunguna ang totoo laban sa pananampalataya bumabalik ako sa pangunahing kaalaman.
Ito ang anim na mga bagay na kinapupuntahan ko.
1 - Tinawag ako para gawing mas maliit ang impiyerno at maging mas malaki ang langit.
2 - Mayroon akong mandato na dalhin ang kagalakan ng Kanyang presensya sa kanila na nakukulong sa kadiliman ng pagkalumbay.
3 - Hinirang ako para manalangin para sa mga babaeng hindi magka-anak.
4 - Pinayagan ako ng Diyos na ibahagi ang aking adiksyon sa iba. Ang adiksyon sa Salita ng Diyos ang aking itinataguyod!
5 -Tinawag ako ng Diyos para maglunsad ng isang hukbo na handang manalangin habang nagkakagulo ang lahat … para sumamba habang nasa init ng matinding digmaan … at mabuhay sa prinsipyong matatagpuan sa Biblia.
6 - Inatasan ako ng Diyos na turuan ang susunod na henerasyon ng mga kabataang babae kung paano maging mahusay na ina.
Maari mo bang ibuod ang iyong sarili sa ilang pangunahing bagay?
Sadyang ginawa ka … para sa isang layunin … at may layunin.
Hindi ka isang pagkakamali o isang numero. Binabawi ko … ikaw AY isang numero. Nag-iisa ka sa isang milyon.
Isulat mo ang iyong layunin. Ayos na ang anim na pangungusap.
Kung hindi mo kayang ibuod sa anim na simpleng mga pangungusap … basta humayo ka at magmahal.
Bayaran mo ang kape ng isang tao.
Basahan mo ng kuwento ang isang bata.
Tawagan mo ang nanay mo.
Pasalubungan mo ng bulaklak ang asawa mo.
Huwag mong gawing mas mahirap ang “layunin” kumpara sa kung ano talaga ito. Narito ka para maghatid ng pagbabago sa isang tao sa araw-araw ng buhay mo.
Ginagawang obra-maestra ng pag-ibig ang simpleng buhay.
Ang pagbibigay-halaga ay himalang binabago ang isang walang katuturang pamumuhay sa isang simponya.
Sino ang nangangailangan ng tulong?
Sino ang nangangailangan ng salitang nakakapagpalakas ng loob?
Sino ang nangangailangan ng isang bungkos ng pagmamahal?
Matutuklasan mo na ang pagbibigay … pag-aalaga … pagmamahal … at pagpupuno sa iba … ang siyang kinakailangan para magtayo ng isang buhay na nag-uumapaw sa kagalakan.
Ang hiwaga ng buhay ay nakikita kung ang isang simpleng tao ay nagdedisyon na maging mapagbigay nang labis-labis.
Kaisipang Masayang Isipin: Mayroon ka bang anim na bagay na magbibigay buod sa buhay mo? Ano ang iyong anim na mga bagay?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com