Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 16 NG 30

Ang pagkadismaya ay ang pakiramdam sa sikmura na tila masusuka dahil sa kung ano sana ang puwedeng mangyari ... ... ano sana ang mangyayari … ano dapat ang nangyari.

“Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.” (Mga Taga-Roma 5:3-5 Rtpv05)

Ang pag-asa ay hindi nambibigo.

Ang ilan sa mga pinakabanal na sandali sa buhay ay nararanasan sa mga panahong hindi gusto o hindi nararapat na kabiguan.

Kung nararamdamam mo na ang buhay mo ay gumuho ... naroon Siya.

Kung naniniwala ka na natalo ka ng sobrang daming beses … naroon Siya. Walang katapusan ang pagpapalakas ng loob Niya sa iyo..

“Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” (Mga Taga-Roma 8:28 Rtpv05)

Naniniwala ako na ang sinasabi sa Mga Taga-Roma 8:28 ay kung ano ang eksaktong kahulugan nito.

Tayo ay nagsisilbi sa makapangyarihang Diyos na kayang tahiin ang mga luray-luray nating puso upang maging kagilagilalas ang ganda nito.

Kung tayo ay tutuon sa simple at maalab na pagmamahal sa Kanya … Siya ay gumagawa sa likod ng ating mga buhay para tanggalin ang bawat kabiguan na naranasanan natin at gawin itong bagay na makabubuti sa atin.

Kahit na ang puso mo'ý maaaring guwang dahil sa sakit na dulot ng naudlot na mga pangarap at ang sunod-sunod na pagbagsak, kumapit ka sa pag-asang iyan..

Paapuyin Mo ang alab ng pag-ibig para sa iyong Tagapagligtas.

Sa halip na manatili sa lugar ng patuloy na pagkadismaya, isipin mo na dahil sa kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos, wala sa dakong ito ng langit ang may kakayang tanggalin ka sa iyong posisyon.

Ikaw ay itinalaga ng habang panahon at hindi matitinag para sa Kanyang layunin at Kanyang mga plano.
Ang pagtatalaga Niya sa iyong buhay ang tatalo sa mga kabiguang maaaring dumating.

“Nagagalak tayo sa mga kabiguang ating tinitiis … dahil alam nating… hindi tayo bibiguin ng pag-asang ito.”

Ang ibig sabihin ng salitang “nagagalak” ay, “magluwalhati mayroon man o walang dahilan.”

Sa halip na umiyak at balutin ang iyong sarili sa marupok na aliw ng panghihina, magningning ka sa kabiguan!

Maaari kang magningning sa iyong kabiguan, dahil ang Diyos ay nananatili sa trono ng iyong buhay. Siya pa rin ang may kontrol. Hindi mo pa natatakasan ang Kanyang pag-ibig. At … hindi ka tinatanggal sa iyong posisyon.

Siya ang bahala dito. Siya ang bahala sa iyo.

Kaisipang Masayang Isipin: Paano magiging pinakamahusay na sandali mo ang kabiguan?
Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com