Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 18 NG 30

Isa ako sa mga naniniwala, tulad ni Scarlett O'Hara, sa paniniwalang bukas ay magiging mas mabuti. Madalas akong nakamasid nang may pananabik sa isang pantasya ng bukas at pagkatapos ay magkakamaling mangarap patungo sa mga haka-hakang araw na magiging higit na kamangha-mangha kumpara sa kung ano ang katotohanang maaaring mangyari ngayon.

“Huwag ipagyayabang ang araw ng bukas, pagkat di mo alam kung anong magaganap.” ( Mga Kawikaan 27:1 Rtpv05)

Ang simpleng katotohanan ay ito … ngayon ang pinakamagandang araw ng aking buhay. Walang mas mayaman o mas puno ng regalo kaysa sa kaloob ng kasalakuyan na hindi mo pinaghirapan.

Maaari kong piliin kung gaanong rangya ang pipigain ko ngayon. Magpapakahirap ba ako sa mga hindi pangkaraniwang sandali at titingnan ang lahat ng ibinigay sa akin? O yayakapin ko ba ang mga ordinaryong himala na sumisilay sa bawat sandali ng buhay?

Kung nakatuon ako sa malayong posibilidad ng bukas, hinding-hindi ko mapapansin ang kamangha-manghang ngayon!

“Kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw, akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.!” (Mga Awit 71:8 Rtpv05)

Baka gusto mong maglaan ng ilang minuto ngayon sa paggawa ng ilang deklarasyon na may kapangyarihang pakawalan ang kagandahan at kaluwalhatian ng lahat ng "ngayon" na sandali ng iyong buhay:

Ngayon, buong giting akong magbibigay ng oras sa pakikinig sa iba at hindi sarili ko lamang ang aking iiisipin.

Ipagdidiwang ko ang kasalukuyang pangyayari sa aking buhay at hindi mananabik sa ibang mga araw at gawain sa halip na sa mga bagay na ibinigay sa akin ngayon.

Ngayon, hindi ako mag-aalala sa kung ano ang wala sa akin kung hindi may pagpapasalamat kong ibabahagi ang lahat ng meron ako sa mga taong nakakadaupang palad ko.

Ngayon ay aawit ako nang walang pagsisisi at magsasabi ng "salamat!" nang malakas at madalas!

Ngayon ay ngingiti ako sa mga bata at magbibigay ng mga salitang nakakapagpalakas-loob sa mga hindi ko nakikilala.

Gagawin kong kampante ang aking sarili sa mga kasiyahan ng ngayon at hahanapin ko ang bakas ng Diyos sa bawat sandali. Pakikinggan ko ang pintig ng Kanyang puso at ang awit ng buhay na nagmumula sa langit.

Itatali ko ang sarili ko sa kasalukuyan … at akoý mamamangha sa regalo ng ngayon!

“Aking ihahayag ang iyong katuwiran, sa buong maghapon ay papupurihan!” (Mga Awit 35:28 Rtpv05)

Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang 3 kasiya-siyang bagay ang pipiliin mong gawin sa anumang araw sa buhay mo?

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com