Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Ano ang nakakapagpa-antig sa iyo? Ano ang nagpupuno sa iyong puso ng alingawngaw ng kawalang hanggan?
Sa akin, laging mga salita at melodiya.
“Ang Diyos natin sadyang marunong
Siya'y mabuti tumutulong
Kung di maunawaan,
Kanyang kalooban,
Puso N'ya ay pagtiwalaan.” (Fipino version, Trust His Heart by Babbie Mason)
Ang mga salitang ito ay naging higit pa sa lirika sa akin ... naging solidong teolohiya ang mga ito. Naging buhay at makapangyarihang panalangin ang mga ito.
“Ang Diyos natin ay sadyang marunong ...”
Ang kaluluwa ko ay nagtitiwala sa katiyakan na hindi kailanman nagkakamali ang Diyos. Hindi ako kailanman magiging mas matalino kaysa sa Kanya. Ang Kanyang karunungan ay hindi kailanman sasalungat sa Kanyang Salita ... at panatag ako doon ... doon sa ligtas na lugar ng pagtitiwala sa Diyos na marunong.
Ang karunungan ng Diyos ay hindi kailanman nagbabago dahil hindi nagbabago ang Diyos. Ang Kanyang pag-iisip at ang Kanyang puso para sa Kanyang mga anak libong taon na ang nakaraan ay siya pa ring Kanyang pag-iisip at Kanyang puso sa Kanyang mga anak ngayon..
“Siya'y mabuti tumutulong ...”
Kapag binabasa ko ang mga salitang iyon, naiiyak ako. Nalulusaw ang puso ko sa kabutihan ng Diyos na minamahal at pinagsisilbihan ko. Walang kasamaan ang Diyos. Lahat ng dumarating sa buhay ko ay sinasala ng karunungan, kapangyarihan, at kabutihan ng Diyos.
Ang Diyos ay walang hanggan at walang katapusan ang kabutihan. Walang isa mang bahid ng kalupitan, kawalan ng kabutihan, o kasamaan sa Diyos.
Walang katapusan at labis-labis ang Kanyang kabutihan.
Makapangyarihan ang pagmamahal at marunong ang Kanyang kabutihan.
"Kung di maunawaan, Kanyang kalooban, ...”
Ilang beses na ba na nangyari IYAN sa buhay mo?!
Hindi mo nauunawaan kung ano ang ginagawa ng Diyos ... hindi mo makita ang bakas Niya sa araw-araw ng buhay mo ... hindi mo naririnig ang boses Niya o nakikita ang sulat-kamay Niya sa dingding.
Sumisigaw ka para bigyan ng pang-unawa at Siya ay tahimik.
Humihingi ka ng paliwanag sa puso ng langit at wala kang nakukuha.
Ano ang ginagawa mo sa malungkot na sandaling iyan? Mayroon bang lugar kung saan aaliwin ang nagdurusa mong kaluluwa?
“Kung di maunawaan ... puso Niya'y pagtiwalaan.”
Magtiwala ka sa puso Niya.
Magtiwala ka sa Kanyang karunungan at kapangyarihan.
Magtiwala ka sa kabutihan Niya na hindi kailanman naging masama.
Magtiwala ka na sapat Siya para dalhin ka Niya.
Kaisipang Masayang Isipin: Sumulat ng 10 pang-uri na naglalarawan kung sino ang Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com