Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 19 NG 30

Noong naroon ako sa pinakamadilim na bahagi ng aking buhay, nagkaroon ako ng adiksyon.

Nasa bingit na ako ng depresyon dahil sa ilang taon na hindi ako magkaanak. Nagpadala ako ng 5 sanggol sa langit at iyon ay araw ng walang humpay na kalungkutan, wasak na pag-asa, at nagngangalit na emosyon.

Ang adiksyon na nagkaroon ako ay sa Salita ng Diyos. Sa mga araw na iyon, nang tinatawag ng walang katapusang kadiliman ng depresyon ang pangalan ko, hinahabol din ng Biblia ang aking kaluluwa. Bago nabago ang mga bagay sa aking buhay, ang kapangyarihang nagpapagaling na nasa Salita ng Diyos ay pinagaling ako mula sa di-maipaliwanag at di mapigilang depresyon.

Sa halos 3 dekadang pagkatanggal mula sa nakakatakot na panahon ng depresyon, gusto kong ibahagi sa inyo ang 4 na paraan kung saan kayang baguhin ng Biblia ang iyong buhay.

Ang Biblia ay magpapaalala sa iyo na kayang kunin ng Diyos ang bawat sitwasyon sa ating buhay at gamitin ito para sa ating pinaka-ikabubuti at para sa Kanyang kaluwalhatian.

“Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin..” (Mga Taga Roma 8:28 Rtpv05)

Pangalawa, tutulungan ka ng Biblia na magkaroon ng kalakasang mapagtagumpayan ang kasalanan at tukso.

“Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.” (Mga Awit 119:9 Rtpv05)

Ang pangatlong paraan na maaari kang baguhin ng Biblia ay ang tulungan kang mahalin ang mga taong nagpapabigat sa buhay mo!! Hindi nasosorpresa ang Diyos sa pagkakaroon mo sa buhay ng mga palyadong tao. Maaaring sadyang inilagay Niya sila doon dahil gusto Niyang makita nila si Jesus sa iyo!

“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man.” (1 Mga Taga Corinto 13: 4 Rtpv05)

Kung nagtatanong ka kung bakit ka ipinanganak, tutulungan ka ng Biblia na hanapin ang layunin mo sa buhay!

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” (Jeremias 29:11 Rtpv05)

Para sa mga dahilang ito at libo-libo pang kadahilanan … magkaroon ka ng adiksyon sa Salita ng Diyos. Ikaw ay magiging siyang taong Kanyang ginawa kapag nalugod ka sa Kanyang Salita!

Kaisipang Masayang Isipin: Gumawa ng listahan ng mga dahilan kung bakit dapat mong basahin ang iyong Biblia araw-araw.

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com