Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 15 NG 30

Hindi pa tapos ang Diyos sa iyo.

Totoo ito dahil Siya ay Diyos at ikaw ang Kanyang minamahal na anak.

Kung inisiip mo na nakalimutan ka na Niya, ang ginagawa mo talaga ay kinukwestyon mo at pinagdududahan pa ang Kanyang pagmamahal sa iyo.

Maaaring katulad ka ng palautos na si Marta na pakiramdam niya ay kailangan niyang kumprontahin si Jesus kung siya ba ay napapansin Niya o hindi..

“Si Marta naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at dumaing, “Panginoon, bale-wala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako.”.” (Lucas 10:40 Rtpv05)

Anong “malaking hapunan” ang naging sanhi ng iyong pagiging masyadong abala, aligaga, at natataranta?

Naging bastos ka ba … at nagkamali ng sapat … para pagbintangan ang Panginoon na hindi nagmamalasakit sa iyo at sa buhay mo?

Nagiging kasalanan ko ito sa bawat araw ng aking buhay! Kapag naghahanda ako ng “malaking hapunan” pagkatapos ng “malaking hapunan,” inilalabas ko ang aking mga makamundong hinaing sa aking Panginoong nasa langit.

Madalas kong nakakalimutan ang kagalakan sa mga oras na akoý nasa Kanyang presensya. Nakakaligtaan ko ang katotohanan na ang mga alagad ay dapat umupo sa paanan ng Guro.

Si Maria, ang debotong kapatid ni Marta, ay pinili ang pinakamabuting bahagi.

“..ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya.” (Lucas 10:42 Rtpv05)

Gusto kong piliin ang tulad ng pinili ni Maria, kahit na nabigo ako sa buhay.

Gusto kong matuklasan ang kahalagahan ng pag-upo sa Kanyang paanan kapag tinatawag ako ng mundo ko para gumanap, maghanda, at gumawa.

Sa Diyos lamang natin matutuklasan ang ating pagkakakilanlan, ang ating kahulugan, ang ating layunin, at ang ating kahalagahan. Kung kaya manatili ka ngayon … manatili sa Kanyang paanan.

Maglaan ng oras sa Kanyang presensyang mapagmahal, at habang nandoon ka … kalimutan mong sabihin sa Kanya kung ano ang Kanyang gagawin. Alam Niya ito. Nakikita Niya … Alam Niya … at nagmamalasakit Siya.

Kapag ang Pag-ibig at ang pala-utos ay nagkita … Pag-ibig ang nagwawagi.

Kapag ang Kabutihan at kabiguan ay nagkita … Kabutihan ang nagwawagi.

Naghihintay sa iyo si Jesus na piliin kung ano talaga ang mahalaga sa buhay … oras na ginugol sa Kanyang paanan. Ito'y para sa kabutihan mo!

Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang ibig sabihin ng, “Mas mabuti ang pinili ni Maria"?

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com