Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 14 NG 30

Pag-asa.

Saan ito nanggagaling? Maaari ba itong bilhin o ibenta?

Maaamoy mo ba ang pag-asa? Namumukadkad lang ba ito kapag panahon ng tagsibol? May tindahan bang nagbebenta ng pag-asa … isang istasyon ng radyo na magpapatugtog nito?

Natuklasan ko na ang pag-asa ang maaaring pinaka-mahalagang bagay na hindi mahahawakan na siyang niyayakap ko. Kapag hindi ako umasa … tinatanggihan kong maniwala. Binabalewala ko ang payong ng pananampalataya.

Mahirap ang buhay. Nauubos ang pera … ipinagkakanulo ng katawan ang kalusugan … salbahe ang mga tao … nangangailangan ng pag-aayos ang mga bagay.

Ang “pag-asa” ba ay ugaling sobrang positibo na hindi inaalintana ang mga totoo? Hindi ako kailanman magaling sa pagbabalewala sa kung ano ang nakikita at nalalaman ko. Siguro kailangan kong tanggalin iyon.

Maaari bang magsama ang pag-asa at totoo? Magkatugma ba sila o magkahiwalay.

Ito ang nalalaman ko … hindi natatapos ang kwento sa kung ano ang mga totoo. Kung ano ang nakikita ng mga mata ko ay maaring pagkukunwari. Ang hindi ko makita sa aking mga mata ay maaring siyang solidong bagay sa buhay.

Kaya ako umaasa. Kapag ang mga pangyayari sa buhay ko ay sumisigaw at nanghihingi ... pinipili ko ang mahinang bulong ng pag-asa.

Kapag ang mga totoo sa buhay ko ay kumukulog at lumilindol … pinipili ko ang matamis na ngiti ng pag-asa.

Lahat tayo ay namimili. Namimili tayo sa pag-asa o kawalan ng pag-asa. Pag-asa o panghihina ng loob. Pag-asa o anuman.

Hindi ko alam kung anong kalagayan ang sumisigaw sa iyo ngayon, pero kung maari mong piliin ang pag-asa, pinipili mo ang kalakasan. At kagalakan. At layunin.

Maaaring ang mga totoo na kinakaharap natin sa ngayon ay isa lamang usok na siyang pumapalibot at nagpapalabo ng ating paningin sa katotohanan at pag-asa. Maaaring kung umangat na ang ulap na nagpapalabo sa kung bakit tayo narito, ang matutuklasan natin ay ang pag-asa ay hindi kamangmangan kung hindi ito ay sangkap at nagtataglay ng mas maraming katotohanan kaysa kalabuan. Maaaring ang malalaman natin, na hindi natin alam ngayon, ay tinatakpan ng totoo ang kung ano ang katotohanan, ang tunay at ang dalisay.

At siguro ang kailangan kong ipaalala sa sarili ko araw-araw ay ang pag-asa ay pundasyon ng buhay na nakalaan sa akin.

Kung kaya niyayakap ko ang pakikipag-kaibigan sa pag-asa. Ibabalot ko ang isip ko sa lahat ng idinideklara at ipinapangako ng pag-asa. Magsasalita ako ng may pag-asa at mag-iiisip tungkol sa pag-asa. Gagamitin ko ang pag-asa bilang siyang angkla ng aking lubhang marupok na kaluluwa.

Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang sikreto ng pananatili sa pag-asa?

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com