Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 11 NG 30

Nasa isipan ka na ng Diyos bago pa lalangin ang mundo. Pinaplano Niya ang lahat ng iyong kasaysayan para ilatag na tila isang pulang karpet para sa buhay mo at para sa kung ano ang magiging ikaw..

Pero mayroong problema.

Ihiniwalay ka ng kasalanan mula sa Diyos … pero gusto kang bawiin ng Diyos.

Nais ibigay ng Ama ang ano mang kabayaran para lamang tawirin ang di matawid na pagitan at muli ka Niyang yakapin sa Kanyang mga kamay.

Binili ka Niya ng dugo. Binayaran Niya ang pagkakautang ng isang mayaman, mapulang dugo.

Hindi galing sa hayop ang dugo.

Ang dugo na ginamit upang maging kapalit ay hindi nanggaling sa kalapati o sa tupang lalaki.

Ang dugo na ginamit ng Diyos Ama sa isang pinakadakilang transaksyon sa buong walang hanggan ay galing sa isang Tupa. Ang nag-iisang Tupa. Ang Tupang sakripisyo.

Anak ng Diyos. Iyan ay pagpapala.

Hindi lamang binili ka ng pagpapala … binago ng pagpapala ang iyong nakaraan!

“Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang-sala na niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila. Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid. Noong unang panahon, nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao.” (Mga Taga Roma 3:23 – 25 RTPV05)

ANO?!!

Binura ang aking mga kasalanan … wala na sila kailanpaman. Wala nang kahihiyan. Wala nang pagka-paralisa. Wala nang pagkakasala.

Ang mayroon lamang ay pagpapala. Ako'ý pinawalang-sala!

“Ang kasalanan ko – Oh ang ligaya! – ng ganitong maluwalhating kaisipan!
Ang aking kasalanan, hindi bahagi, kundi kabuuan:
Ay ipinako sa krus at hindi ko na ito dala,
Mabuti! Mabuti ang aking kaluluwa!”

Pero mayroong hamon sa pagpapala. Isang nakakapamilipit ng sikmura, nakakapanginig ng tuhod, nakakapagpabagsak ng ulo, nakakatuyo ng bibig na hamon sa pagpapala …

Dahil tinanggap ko ang pagpapala … dapat akong magbigay ng pagpapala.

Dahil kay Jesus … dapat na maging Jesus ako sa iba.

Dapat kong tawirin ang bangin ng pagka-dismaya, pagkainip, at galit … at lumapit sa mga makasalanan at mahirap pakisamahang mga tao nang may pagpapala.

Dapat na ibigay ko ang pagpapala nang libre … labis-labis … masagana … buo.

Ang pagpapala ang magbibigay sa akin ng lakas para magawa ito.

Binabago ng pagpapala ang aking nakaraan … aking kasalukuyan … at aking hinaharap.

Ang ginagawa sa akin ng pagpapala ay umaabot sa iyo.

Kaisipang Masayang Isipin: Paano ibinahagi ni Jesus ang pagpapala sa babaeng nahuli sa pangangalunya?

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com