Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa

Joy For All Seasons

ARAW 6 NG 30

Paghihintay. Sinong gustong naghihintay?

Tila ginugol ko ang buong buhay ko sa paghihintay para sa isang bagay ... o para ang Diyos ay kumilos para sa akin! Ilang ordinaryong araw na ba ang lumipas nang ang puso at isipan ko ay nakatuon sa bukas?

Ang katotohanan ay ito ... lahat tayo ay kailangang maghintay para sa isang bagay! At personal na pagpili ko kung ako ay maghihintay nang mabuti o maghihintay nang hindi maganda!

Tumangging mag-alala habang naghihintay. Ang pag-aalala ay pag-aaksaya ng oras, lakas, at emosyon. Ang pag-aalala ay hindi maganda dahil sa pagsira sa napakaraming "ngayon." Ang kahulugan ng panalangin ay hindi "pag-aalala habang nakaluhod."

Huwag maging negatibo habang naghihintay. Habang naghihintay, itapon ang pagiging negatibo tulad ng basura kahapon.

Huwag magdamdam habang naghihintay. Huwag mong ipagpalagay na walang magbabago sa iyo. Ang pait ay laging nagiging makasariling galit. Ang galit ay magpapalit ng isang mabungang buhay tungo sa isang walang kwentang buhay.

Huwag ngumuyngoy at magreklamo habang naghihintay. Walang magkakagusto sa iyong mga salitang ibubuga at walang interesado sa iyong pagkainip.

Gumawa ng mabubunga at magagandang aktibidad habang naghihintay ka! Magboluntaryo sa isang homeless shelter. Tumulong sa pag-aalaga para sa isang batang pamilya. Dalhin ang isang mag-asawang may edad na upang mananghalian. Sumama sa pagmimisyon. Anyayahan ang mga tao para sa hapunan at isang gabi ng laro.

Habang hinihintay mong masagot ang iyong mga panalangin, manalangin para sa iba! Gumawa ng listahan ng iba na nangangailangan ng iyong mga panalangin at pagkatapos ay ipagdasal sila araw-araw. Marahil ay maaari mong ipaalam sa mga taong iyon na ipinagdarasal mo sila. Sumulat ng mga tala ng panghihikayat at magpadala ng mga talata mula sa Banal na Kasulatan sa kanila.

Magsalita ng wika ng pag-asa! Ang pag-asa ay dapat maging katutubong wika ng isang taong naghihintay. Matutong magsalita nito tulad ng pag-aaral mong magsalita ng isang wika bago bumisita sa ibang bansa. Ang tanging wikang dapat bigkasin sa silid ng paghihintay ng buhay ay ang wika ng pag-asa.

Sumamba habang naghihintay! Umawit hanggang makatulog at sumipol habang nagtatrabaho ka. Humuni habang ikaw ay nananalangin at panatiliin ang isang simponiya ng tunay na kagalakan habang ikaw ay naghihintay na tapusin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa iyo. Ang awit ng iyong puso ay dapat na nasa pinakamalakas kapag nakita mo ang iyong sarili sa silid ng paghihintay ng buhay.

Masayang Kaisipang Pagnilayan: Ano ang ibig sabihin ng “maghintay nang mabuti”?

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Joy For All Seasons

Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.

More

Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com