Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Noong ako'y nasa ika-limang grado, ang aking pinakamamahal na guro, si Bb. Sullivan, ay nagturo sa kanyang mausisang klase ng mga 11-taong-gulang na upang tukuyin ang isang tiyak na salita, hindi dapat gamitin ang mismong salita sa kahulugan. Ang tuntuning itinuro ni Bb. Sullivan sa lahat ng kanyang sabik na mga mag-aaral ay isang tinatanggap na tuntunin sa gramatika na tuwirang sinusunod ng karamihan sa mga mahuhusay na manunulat at dalubhasa sa mga salita.
Gayunpaman, natuklasan ko, halos imposibleng tukuyin ang salitang "kagalakan" nang hindi ginagamit ang mismong salita sa kanyang kahulugan.
Ang kahulugan ng salitang simchah sa Hebreo ay: “kagalakan, katuwaan, kaligayahan; ang kagalakan ng Diyos.”
Ang kahulugan ng salitang chara sa Griyego ay: “kagalakan, katuwaan; ang dahilan ng okasyon ng kagalakan ng isang tao.”
Dahil sa aking pagkadismaya sa pagiging isang dalubhasa pagdating sa balarila at sa pag-alam na ang sangkap ay kulang sa pamamagitan ng paggamit ng isang salita sa sarili nitong kahulugan, nagpasya akong maghukay nang kaunti pa at magiting na sikaping tuklasin ang ugat na kahulugan ng salitang "kagalakan."
"Ang kagalakang dulot ng Banal na Espiritu" ang isang kahulugang umalingawngaw nang mas malakas sa aking bigong kaluluwa dahil kahit papaano ay nagbigay ito ng pagkilala sa Banal na Espiritu.
At sa wakas, nakuha ko ang kahulugang ito mula sa isang diksyunaryo ng Hebreo na nakita ko sa lumang silid-aklatan ng aking ama: “ang pagpapala na tinatamasa ng Panginoon sa paligid ng trono ng Diyos Mismo.”
Bagama't ang kahulugang ito ay hango sa salitang "kagalakan," natagpuan ko ang aking sarili na lubos na sumasang-ayon sa sinaunang kahulugang ito na makikita sa maalikabok at mga librong gamit na gamit na.
Ang kagalakan ay pumapalibot sa langit. Ito ang hanging hinihinga mismo ng Diyos Ama sa bawat araw ng kawalang-hanggan. At dahil ang kagalakan ay regalong inihatid sa akin ng langit habang ako ay naglalakad sa planetang lupa, kagalakan at kalakasan kong maranasan ang pagpapalang tinatamasa ng Diyos sa Kanyang trono.
Wow ... ilagay mo yan sa puso mo at patiimin mo doon!
Ang kagalakan ay regalo ng Diyos sa atin habang tayo ay kumakapit sa Kanyang presensya at nananatili sa lahat ng kung ano Siya at sa lahat ng Kanyang ibinibigay.
Kaisipang Masayang Isipin: Ano ang ilang praktikal na pagsasanay na maaari mong gawin sa iyong buhay upang “hindi ka bumitiw sa iyong kagalakan”?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com