Kagalakan Para sa Lahat ng PanahonHalimbawa
Ang Salita ng Diyos ay isang mapaghimalang gamot na nakakapagpagaling at isa ring marunong at tapat na tagapayo. Ang mismong mga salita sa Biblia ay makapangyarihang mga bitamina ng pinakamagandang uri. Ang araw-araw na pagtuturok ng kagalakan ay marahil siyang iniuutos ng Mahusay na Manggagamot para sa iyong buhay.
"Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan." (Mga Awit 16:11)
Ang kagalakan ay natatagpuan kung nasaan man Siya.
Ang Kanyang presensya ay nakikita sa unang mga bulaklak ng tagsibol at sa maluwalhating dahon ng taglagas.
Ang Kanyang boses ay naririnig sa simponiya ng pagsamba at sa hagikhik ng sanggol.
Siya ay matatagpuang nagbibigay-kaginhawaan sa mga balo at mga magulang na nawasak ang mga puso.
Naroon Siya sa kabagutan ng araw-araw na pamumuhay kung saan ang mga plato ay nakatambak, ang mga labada ay parang bundok at ang mga bayarin ay hindi natatapos.
Naroon Siya sa walang katapusang mga araw ng pagkalungkot at sa mga tambak ng mga tisyu sa iyong kama.
Sa tuwing ako ay inaabutan ng panlilinlang ng aking damdamin, ang higit kong kinakailangan ay Siya.
Sa tuwing kumukupas na ang aking kagalakan at napapalitan ng kalungkutan at kapighatian, malumanay akong pinapaalalahanan ng Banal na Espiritu, "Carol … kung ikaw ay nagkukulang sa kagalakan ... sa tingin mo sino ba ang lumayo?"
Ang lahat ng kagalakan na aking kakailanganin sa bahaging ito ng langit ay natatagpuan sa pagsama sa Kanya. Ito ay natatagpuan sa tuwing walang humpay na higit kong pinipili Siya at ng mas madalang ang aking sarili; ito ay natatagpuan sa tuwing naiintindihan ko ang halaga ng intimasiya sa Nagmamahal sa aking kaluluwa.
Kung kailangan mo na ang kagalakan ay maging mas praktikal at kaysa sa patula, marahil ang mga mungkahing ito ay magtutulak sa iyo patungo sa posibilidad ng kagalakan:
Pumili ng linya sa Banal na Kasulatan na may salitang "kagalakan" at isaulo ito.
Ibulong ang isang panalangin para sa isang tao maliban sa iyong sarili.
Magbasa ng iyong Biblia nang hindi bababa sa 5 minuto araw-araw.
Ang kagalakan ay isang mabigat na disiplina na ang mga desperado lamang ang matapang pumili. Dapat kong piliin ang Kanyang presensya sa kabila ng mundong dumadagundong sa aking paligid. Ang kagalakan ng Kanyang presensya ay garantisadong pupuno sa iyo hanggang sa umapaw at magbibigay sa iyo ng mahimalang regalo ng masaganang buhay.
Kaisipang Masayang Isipin: Isulat ang iyong kahulugan ng salitang “kagalakan.”

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Naisip mo na ba, "Posible bang maranasan ang kagalakan sa lahat ng panahon ng buhay?" Naniniwala si Carol McLeod na ang Diyos ay may napakalaking kagalakan na abot-kamay para sa iyo. Sa debosyonal na ito, matutuklasan mo kung paano magtiwala sa Diyos kapag hindi patas ang buhay, kung paano magnilay sa Banal na Kasulatan na makapaghuhubog ng iyong pag-iisip at kung paano baguhin ang pagkabigo sa isang pusong nagagalak sa kabila ng kawalan ng katiyakan.
More
Nais naming pasalamatan sina Carol McLeod at Just Joy Ministries para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.carolmcleodministries.com