Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Cristo: Hindi Apelyido"
Unang Pangalan. Apelyido. Sanay na tayo sa ganitong paraan ng pagsulat ng pangalan.
Sa paparating na Pasko, importanteng malaman natin na ang mga magulang ni Jesus ay hindi sina Jose at Maria Cristo. Ikinainis ng aking mga anak (dahil madalas na itinatanong ito sa akin), ang Cristo ay hindi apelyido ni Jesus. Ang Cristo ay kasing-importanteng parte ng Kanyang pangalan — isang pangalang natatangi sa Kanya.
Si Jesus ay totoong tao — isang taong may emosyon, mga gusto, mga kailangan, tulad mo at tulad ko. Kung nabigo kang makipag-ugnayan sa Diyos, tandaan mo kung gaano katindi ang Kanyang pinagdaanan para makipag-ugnayan sa iyo. Si Jesus ng Nazareno ay ang naging, at hanggang ngayon, ang lubos na maunawaing handog.
Ang Cristo ay ganun din ka-importante. Ang salitang “Cristo” ay nanggaling sa Griyegong salita na “Christos,” na ang ibig sabihin ay “ang pinili” o “ang nahirang.” Paulit-ulit sa Lumang Tipan, may mga pahiwatig tungkol sa pagdating ng Mesiyas o ang pagdating ni Cristo na hindi mahihirang ng isang pang-lupang hari. Imbes, ang padating ay hihirangin ng makalangit na Hari at, samakatuwid, magiging Cristo.
Sa pagbasa mo ng 1 Mga Cronica 17:11–14, ang inaasahang Cristo ay manggagaling sa Diyos para “itayo ang Kanyang kaharian” at “itaguyod ang Kanyang trono magpakailanman.”
Ayon sa Isais 9:6, Siya ay magiging “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.” Bagama't hindi Siya dumating sa paraang inaasahan natin, dumating pa rin Siya. Sa pag-ibig, balot sa binigkis na damit, dumating Siya.
Noong Siya ay naging tao, inimbita Niya ang iba na sumunod sa Kanya. At iniimbitahan Niya rin tayo. Sa Juan 1:4, sinabi ni Andres, isa Kanyang mga unang taga-sunod, sa kanyang kapatid na si Simon:
“Natagpuan na namin ang Mesiyas.” (Ang ibig sabihin ng Mesiyas ay “Cristo”.)
Sa ating paghintay ng Pasko, alalahanin natin na hindi lang tayo naghihintay ng pagdiriwang ng isang ipinanganak na sanggol. Ipinagdiriwang natin si Cristo, ang katuparan ng pangako ng Diyos, ang kasiguruhan na ang Salita ng Diyos ay mabuti, at ang katiyakan na pwede pa rin Siyang pagkatiwalaan. Pasalamatan ngayon ang Diyos dahil kay Jesus, ang tao, ang Cristo, ang tagapagligtas mula sa Diyos. Ang sabi nga ni Andres, natagpuan na natin ang Mesiyas (ang Cristo)!
Clay Scroggins
Pangunahing Pastor

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org