Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
“Ang Natatagong Himala ng Pasko”
Ano kaya ang pakiramdam ng biyaya? Ng mainit na yakap? Ng mapagpatawad na magulang? Ng tapat na kaibigan? Ang biyaya ay isa sa mga salitang Cristiiano na mahirap ipaliwanag. Tingnan natin.
Sinabi sa Juan 1 na si Jesus ang kapuspusan ng biyaya at katotohanan. Ang kapuspusan ay nangangahulugang si Jesus ay hindi kalahating biyaya, kalahating katotohanan kundi ang totoo, Siya ay 100 porsiyentong biyaya at 100 porsiyentong katotohanan. Ang ganitong kabalintunaan ay mahirap maintindihan. Ang naiisip ko ay parang isang baso na may dalawang pitsel ng tubig, ang isa ay puno ng biyaya at ang isa ay puno ng katotohanan. Madaling isipin na ang Diyos ay magsasalin ng kalahating biyaya at kalahating katotohanan sa baso. Pero, sa totoo, ang Diyos ay nakatayo doon, siguro nakangisi pa, at isasalin ang parehong pitsel, lahat ng laman ng mga pitsel, sa baso hanggang umawas, at magiging makalat. Ito ang kapuspusan ng biyaya at katotohanan.
Ano ang gagawin natin sa biyaya? Ang biyaya ay ang hindi karapat-dapat na awa at pabor sa mundong ito. Mayroon itong maliit na pinagmulan, tulad ng isang 8-taon batang babae na ibinigay ang kanyang upuan sa isang buntis sa bus. Maaaring hindi kapansin-pansin, tulad ng pagbibigay ng tip sa isang barista para makatulong sa kanyang gastusin. O kaya ay pwede din may drama, tulad ng paglilibre ng Noche Buena sa daan-daang walang bahay. Pero paano pa man ito ipamalas, ang biyaya ay hindi nararapat. Hindi tayo karapat-dapat tumanggap ng biyaya, pero natatanggap pa rin natin. Kung gayon hindi ba dapat nagbibigay din tayo ng biyaya sa ibang hindi karapat-dapat?
Bilang taga-sunod ni Jesus mayroon tayong biyaya sa kalooban natin. Ibig sabihin, pwede tayong sumandal sa rebolusyonaryong pag-ibig na hindi nararapat na biyaya. Sa panahong naisip na natin na tayo ay nagkasala at kailangan natin ng kapatawaran, napatawad na tayo ni Jesus ng higit pa sa isang dosena. Bakit? Dahil si Jesus ang kapuspusan ng biyaya. Bale-wala sa biyaya kung ikaw ay konserbatibo o progresibo o kung lumaki kang Cristiano o ngayon pa lang nakikilala ang Diyos. Ang biyaya ay handa nang makamtan ngayon hanggang sa magpakailanman. Ang biyaya ay walang paborito, walang hangganan, at walang katapusan.
Ngayong Pasko, tanungin mo ang sarili mo, “Saan ko naranasan ang biyaya ng Diyos?” Pag-isipan mo iyan. Mabibigla ka na lang na araw-araw mo palang nararanasan ang biyaya. Hanapin mo ito. Pangako, nariyan iyan. Kailangan mo lang itong hanapin. At pag hinanap mo na, ang labis-labis na himala ng Pasko, ng ipinanganak na si Cristo, puno ng biyaya at katotohanan, ay lalong magiging mas mahiwaga.
Lee Ayres
InsideOut

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org