Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
“Patingkayad Na Paghihintay”
Bago pa kami ikasal, alam na namin ni Julie na gusto namin ng mga anak. Pagkalipas ng tatlong taon, handa na kami. Pero sa loob ng susunod na tatlong taon, hindi kami makabuo. Buwan-buwan, sa loob ng 36 buwan, lagi naming naiisip ang pagkabaog.
Pero nuoog isang araw, nalaman namin na buntis si Julie! Dahil sa naghintay kami ng tatlong taon para dito, aakalain mong madali nang maghintay ng siyam na buwan. Mali! Parang walang katapusan. Hindi kami makapaghintay na makilala ang babaeng sanggol na laging laman ng aming isip!
Naranasan mo na ba ang ganitong klase ng paghihintay? Para kang nakaupo sa dulo ng silya. Di ka mapakali. Yun lang ang lagi mong nababanggit. Ang propetang si Isaias ay nagdulot ng ganitong klaseng paghihintay sa mga tao. Binanggit niya ang isang Tagapagligtas na padating balang-araw. Tinawag niya itong “Kahanga-hangang Tagapayo," "Makapangyarihang Diyos," "Walang Hanggang Ama," at "Prinsipe ng Kapayapaan.” At sabi niya, “Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan.” (Isaias 9:7).
Ito ang mabuting balita para sa lahat. Ito ang paghihintay nang patingkayad! Ganito dapat ang pakiramdam ng Kapaskuhan. Ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng isang kaya ang di kaya ng iba: dalhin tayo sa liwanag mula sa kadiliman, buhay mula sa kamatayan.
Ang mga araw bago mag-Pasko ay dapat mayroong ganitong klaseng nakatingkayad na paghihintay. Siguro ay naghihintay ka ng isang mabuting bagay ngayong Pasko — isang regalong gusto mo talaga, o pagtitipon ng pamilya o mga kaibigan, o isang espesyal na tradisyon sa Pasko. O kaya naghihintay ka ng hindi ganoon kabuti: tulad ng isa lang kalendaryo, o masakit na alaala ng nakalipas na relasyon, o isang kapamilyang hindi mo kalapit.
Paano kung ang Pasko ngayon ay kakaiba? Paano kung ngayong Kapaskuhan ay umaasa kang maging masaya, kontento, puno, at may pag-ibig? Kaya mo.
Ibaling natin ang ating paghihintay kay Jesus — ang ating tagatubos, ating pag-asa, ating Tagapaglitas, ating manggagamot, ating kaligtasan magpakailanman, ang Diyos ay nasa atin. Si Jesus ay ipinanganak! Para sa iyo! Para sa akin! Kaya tayo'y tumayo nang patingkayad at magkasamang hintayin ang pagdating ni Jesus. Ito ang dalawang simpleng pamamaraan:
1. Araw-araw, isipin ang pangalang Jesus, at hayaan mong doon umusad ang iyong pag-iisip.
2. Sumali ka sa aming debosyon: Ang Mahika ng Pasko.
Hindi na ako makapaghintay. Sana nakatingkayad ka rin!
Casey Ross
Mga Serbisyong Ministeryo

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org