Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Ang Pinakamagandang Awit ng Pasko"
Ano ang paborito mong awit ng Pasko? Palagay ko kung hihilingin ko sa iyong isipol o ihimig ito ngayon, makukuha mo agad ang himig nito. Tulad nang alam mo, ang himig ay isang pagkakasunud-sunod ng mga indibidwal na nota na tinutugtog nang tuloy-tuloy, na siyang nagiging awit.
Ngayon ay isipin mo naman ang paborito mong pagsasaayos ng nasabing awit. Sigurado kong ang iniisip mong bersyon ay may kasamang magagandang armoniya, maging sa tinig o sa instrumento man.
Ang armoniya ay kapag may dalawa o higit pang magkakaibang-tunog na nota na nagsasama-sama upang magkaroon ng mas malakas at mas magandang tunog. Oo, ang kailangan mo lang ay isang himig upang makagawa ng isang simpleng awitin, ngunit ang armoniya ang siyang bumubuo sa awit na ito.
Ang himig ang nagbibigay ng laman sa isang awitin.
Ang armoniya ay siyang nagbibigay sa lamang iyon ng kaluluwa.
Ang kapanganakan ni Jesus ay isang maarmoniyang pag-aanunsyo sa mundo ng mga indibidwal na mga awit. Ang sangkatauhan ay hindi kailanman maaabot ang ganap na potensyal nito at sa tuwina ay naghahangad para sa kahulugan nito.
Kinailangan natin si Jesus upang ito ay mabago. Dahil sa Kanyang kapanganakan, sa Kanyang sakripisyo, at sa Kanyang muling pagkabuhay, tayo ngayon ay may kakayahang hindi lamang maging mga indibidwal na nota. Katulad ng nakasaad sa aking paboritong awiting Pamasko, ang O Holy Night . . .
Long lay the world in sin and error pining,
‘Til he appeared and the soul felt its worth.
Dinala tayo ni Jesus sa pakikipagkasundo sa Diyos Ama. Ginagawa Niyang napakaganda ng ating mga awit.
Ngunit hindi diyan nagtatapos ang lahat. Hindi lamang tayo namumuhay ngayon nang may pagkakasundo sa ating Manlilikha, kundi tayo ngayon ay tinatawag upang magdala ng pagkakasundo sa mundo. Maganda ang pagkakasabi ni Pablo tungkol dito sa sulat niya sa mga taga-Roma . . .
Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. – Mga Taga-Roma 12:16
Hindi tayo tinatawag ng Diyos upang maging isang bungkos lamang ng magkakaibang himig, na nakikipagpaligsahan sa isa't-isa, habang sinusubukang magawa ang pinakamagandang awit. Tinatawag Niya tayong mamuhay nang may pagkakasundo—habang pinagkakaisa ang lahat upang makagawa ng iisang awit na magbibigay-kaluwalhatian sa Kanya.
Ang Pasko ay panahon kung saan tayo ay nagsasama-sama, ngunit madaling maguluhan dahil sa ating pagkakaiba-iba. Sa buwang ito, hilingin sa Diyos na gawing malinaw ang pakikipagkasundong mayroon ka sa Kanya, at pasalamatan Siya dahil dito. Sa kabilang dako, pagnilayan ang pagkakasundong iyon para sa mga awiting naghahangad ding maging mas maganda.
Cory Draper
Media

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org