Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
![The Magic Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3268%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
"Nakatingin sa Maling Hari"
Noong panahong si Herodes ang hari ng Judea . . . – Lucas 1:5
Si Haring Herodes ang Dakila ang pinaka-makapangyarihang hari sa buong Judea. Nagtayo siya ng mararangyang mga palasyo at isang syudad sa Medeteranyo na nakipagpaligsahan sa Roma. Kaya niyang angkinin ang anumang mabibili ng pera o mabibihag ng kapangyarihan. Ang kanyang mga nasasakupan ay nainggit at nagbiro tungkol sa kung gaano karaming pagkain ang kayang bilhin ng isa sa mga palasyo ni Herodes. Alam nilang si Herodes ay makasarili at walang pag-iingat, pero ang nakakainis dito, sa kanilang lihim na pag-iisip, lahat ay gustong maging si Herodes. Ang makasariling mapang-api ay nagtataglay ng kapangyarihan at pera, at iyon ang akala ng kanyang nasasakupan na gusto nila
Habang ang lahat ay tumitingin kay Herodes, isang bagong hari—ang ipinangakong Mesiyas—ay isinilang sa maiisip mong isang pinakahamak at hindi mapapansing mga pangyayari. Ang paligid ng kanyang simpleng kapangangakan ay nagtakda ng yugto para sa kanyang buhay na walang pag-iimbot at pagmamahal. Hindi ito ang kanilang inaasahan.
Ngayon, maraming malalakas na manunupil sa mundo at nagdurusa ang mga tao. Tila ang walang limitasyong kapangyarihan at pera ay may kakayahang sumira, pero gusto pa rin ng mga tao ang mga ito. Kinasusuklaman natin ang mga pinunong mapanupil, pero hinahangad pa rin natin ang meron sila.
Minsan iniisip ko, kung mayroon akong kaharian, gagawin ko ang mga bagay nang iba. Sa katunayan, bahagi ako ng kaharian—ang pinakadakilang kaharian sa mundo na pinamumunuan ng pinaka-makapangyarihang Hari na mayroong mga tiyak na gawain na ipinagagawa sa akin.
Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin sapagkat ako'y Kanyang hinirang; sinugo Niya ako para dalhin ang Magandang Balita sa mga inaapi, upang pagalingin ang mga sugatang-puso, upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya. Sinugo Niya ako upang ipahayag na darating na ang panahon ng pagliligtas ni Yahweh; ang paghihiganti ng Diyos laban sa Kanyang mga kaaway; sinugo Niya ako para aliwin ang mga nagluluksa. – Isaias 61:1–2
Nagpapasalamat ako sa aking Hari, pero minsan ang ingay ng ibang mga hari ay nagpapalabo ng aking paningin. Ang pagpapasalamat ay kinakailangang magbigay-daan sa pagkilos. Ang dakilang biyaya ay isang pagtitiwala, isang responsibilidad. Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay nasa akin. Ang mahika ng Pasko ay ang pinili ako ng aking Hari na maging aktibong bahagi sa pagpapayahag ng mabuting balita sa mga mahihirap sa pamamagitan ng aking gawa.
Kaya ano ang gagawin ko? Sino ang tutulungan ko? Isang malaking kapanatagan na alam na ito ng aking Hari. Kailangan ko lang magtanong, makinig, at maging handang kumilos.
Durwood Snead
global(x)

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![The Magic Of Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3268%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org