Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 16 NG 25

“Maging Panatag”

Kapayapaan. Madalas iniisip ko, gaano kaya kalaking pagbabago ang ihahatid sa ating buhay ng isang malaking dosis ng kapayapaan, sa mundo na pinagagana ng walang patawad na mga deadline, patuloy na ebalwasyon, madaliang mga kahilingan, mahabang linya ng carpool, walang tigil na mga paalala, walang katapusang inbox, at mga oras sa grocery.

Dagdag pa, karaniwang pinatitindi ng Kapaskuhan ang kaguluhan sa pamamagitan ng pagpwersa sa atin sa pag-aayos ng mga petsa, kasiyahan, paglalakbay, pananalapi, at pamilya. Ano kaya ang magiging hitsura ng ating buhay kung iimbitahan natin ang kapayapaan, sa ating kalooban? Hindi ko tinutukoy ang isang oras ng yoga dalawang beses sa isang linggo, tatlumpung minuto sa gym araw-araw, o kahit na paglalakad sa paligid pagkatapos ng hapunan para panatilihin ang daloy ng dugo mo (o makapahinga sa ingay sa bahay).

Huwag mong mamasamain. Ang mga ito ay mahusay, panandaliang gamot para sa sandaling kapayapaan at para sa ating katinuan. Pero ang mga ito ay panandalian at dagling napapalitan ng kaguluhan at pagmamadali ng buhay.

Hinahamon tayo ni Cristo na maging mas malalim sa pisikal. Hinahamon Niya tayo na imbitahin ang kapayapaan sa araw-araw na kondisyon ng ating isip, puso, kaluluwa at espiritu.

Ang kapayapaan bilang estado ng isip ay hindi nakasandal sa pisikal na kapaligiran o idinidikta ng mga pangyayari sa ating kasalukuyan.

Ang kapayapaan bilang estado ng puso ay walang pasubali, nananatili kahit na ang buhay sa paligid natin ay tila siksik at abala.

Ang kapayapaan bilang estado ng kaluluwa ay higit sa natututuhan natin sa mga debosyonal at tahimik na oras; pinaaalalahanan tayo nito buong araw na tayo ay marubdob na iniibig at iniligtas nang may kapangyarihan.

Ang kapayapaan bilang estado ng espiritu ay nagpapaalala sa atin na kahit na naiinis tayo sa mga bata o mukhang walang magandang nangyayari sa trabaho, ninanais ni Cristo na manatiling payapa ang iyong puso, sa kapahingahan, sa katahimikan, sa kapanatagan, sa Kanya.

Paano natin makakamtan ang kapayapaan bilang estado ng ating kamalayan sa halip na panandaliang pakiramdam lamang? Maging panatag.

“Ihinto ang laban, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman.” – Mga Awit 46:10

Gaya ng pahayag ni C.S. Lewis sa Mere Christianity, “Ang Diyos ay hindi makapagbibigay sa atin ng kapayapaan at kaligayahan bukod sa Kanyang sarili dahil walang ganoon” (p. 50).

Kapag nakikita natin ang Diyos sa loob ng ating pamumuhay, nahahanap natin ang kapayapaan. "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo" (Juan 14:27). Ngayong Kapaskuhan, umpisahan nating mabuhay na may kapayapaan bilang bahagi ng ating araw-araw na paglakad, sa halip na malayong pag-urong mula sa mundo.

Jesse Barr
Facilities

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org