Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 21 NG 25

“Nagkaisa kay Cristo”

Habang papalapit ang Pasko, tayo ay pinapaalalahanan ng kuwento ng kapanganakan ni Jesus at ang pag-asang dala nito. Naalala natin na ang mga pantas at mga pastol ay dumalaw sa bagong silang na Hari. Naaaninag natin ang litrato ng isang sanggol na nakahiga sa sabsaban kasama ang mga hayop at dayami. Ang eksenang ito ay isang magandang larawan ng iba't-ibang klase ng tao na nagkakaisa sa pamamagitan ng isang tao.

Ang mga pantas na galing pa sa malayong lugar, mga mabababang-loob na pastol mula sa malapit na bukirin, si Jose at Maria na galing sa ibang bayan, mga anghel na kumakanta at pinapupurihan ang Diyos, at kahit ang mga hayop ay nakakita ng pagsilang ng Tagapagligtas dito sa lupa. Ang bawat nilalang na ito ay may iba't-ibang pamamaraan ng pagdating at lahat sila ay namangha sa Diyos.

Ito ang eksena ng pagkakaisa, ang pagkaluwalhati ng Diyos sa langit at maging sa lupa. At alam natin ang ibang parte ng kuwento — na si Jesus ay mamamatay at mabubuhay na muli at iiwan sa atin ang Banal na Espiritu para tayo ay gabayan at pangunahan at ilapit tayo sa Diyos.

Ito ang nakabibighaning parte ng Pasko . . . na gusto ng Diyos na maging parte tayo ng Kanyang katawan at maging kaisa Niya magpakailanman. Sa 1 Mga Taga-Corinto 12, isinulat ni Pablo na may iba't-ibang klase ng espirituwal na kaloob, serbisyo, at gawain — pero iisang Diyos.

Ang bawat isa sa atin ay nakatanggap ng kakaiba, pero lahat tayo ay bahagi ng isang katawan, at ginagamit natin ang kaloob na iyon para sa iisang layunin. Aking iminumungkahi na pag-isipan mo ang mga espirituwal na kaloob na ibinigay sa iyo ng Banal na Espiritu upang magamit mo sa paglilingkod sa Diyos.

Pag-isipan mo rin ang mga tao sa iyong paligid at kung paano naiiba ang kanilang espirituwal na kaloob, ngunit sa kabila noon ay naglilingkod pa rin sa iisang Diyos. Sa ating paghihikayat sa isa't-isa at sa pagsasama-sama ng ating mga kaloob, sana ay makita natin ang kaparehong eksena ng kapanganakan — magkakaibang tao mula sa iba't-ibang lugar ngunit nagkaisa nang may kagalakan at papuri at pagkakasundo para sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.

Brooke Rogers
Weekday
Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org