Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Isang Mahiwaga, Mabituing Gabi"
Ilang mahahaba, nakakapagod na mga araw kaya ang ginugol ng mga pastol sa pagpapakain, pagprotekta, at pag-aalaga sa kanilang mga kawan? Ilang gabi kaya ang kanilang ginugol sa pagtingin sa langit na puno ng bituin? Iniisip ko kung ano kaya ang iniisip nila at kung sila ay nanalangin nang todo sa burol.
Sa isang ordinaryong gabi, habang ginagawa lamang ng mga pastol ang kanilang mga trabaho, sumabog ang langit sa kalangitan at nilukob ang burol, ang kanilang burol, para bigyan sila ng isang espesyal na mensahe. Hindi kapani-paniwala! Ang Manunubos na ipinangako ay dumatal sa kanila. Sinabi sa kaniila kung saan matatagpuan ang sanggol. Sinabi sa kanila kung saan matatagpuan ang Tagapagligtas.
Makikita nila ang Diyos. Inimbitahan sila para makita ang Diyos.
Kung ang bagong silang na sanggol ay ipinanganak sa isang palasyo, hindi mapupunta sa itaas ng listahan ng mga bisita ang mga pastol. Subalit sila ay perpekto ang pananamit para sa isang sabsaban at magiging napaka-komportable sa kanilang pagbisita.
Iniisip ko kung ang mensahe sa mga pastol ay mensahe sa atin. Sa gitna ng ating mga pamumuhay, gusto ng ating Diyos na katagpuin tayo at ipahayag kung sino Siya. Siya ay matalik, mapagmahal na Diyos na piniling lumapit sa atin bilang isang sanggol na walang malay sa isang mabahong kamalig.
Si Jesus ay regalo ng pag-ibig, habag, at pagpapala. Nasa Kanya ang kapangyarihan para iligtas tayo.
Kamangha-manghang Diyos!
Lori Keim
Weekday

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org