Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 22 NG 25

“Lumakad nang may Pagtitiwala”

Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.”
– Lucas 1:38

Naisip mo ba kung anong pakiramdam kung ikaw ay matulad sa Birheng Maria? Na lubusang isuko ang iyong mga plano at lumakad nang may pagtitiwala patungo sa hinaharap, nananalig nang lubos sa plano ng Diyos?

Maraming isinakripisyo si Maria upang paglingkuran ang Diyos. Bago pa bumisita sa kanya ang anghel, ang kanyang mga pangarap at mga inaasahan sa hinaharap at mga plano para sa kanyang anak ay malamang na iba sa plano ng Diyos. Sa sandaling iyon, wala siyang ideya kung ano ang mangyayari, ngunit nanalig siya sa Diyos at mapagpakumbabang sumuko sa Kanyang kagustuhan, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagsamba. Nanalig siya sa Diyos kahit na ang kanyang hinaharap ay malabo at tila nakakatakot. Sa halip na siya ay sumuko sa kahirapan at sa takot ng walang kasiguruhang hinaharap, siya ay humakbang paabante nang may pananampalataya. Siya ay may pananalig at katapangan sa kabila ng kanyang sitwasyon. Kinikilala niya na ang kanyang buhay ay pagmamay-ari ng Diyos at sasamahan Niya siya.

Sana ay matulad ako kay Maria. Nanalig siya sa Diyos sa mga bahagi ng kanyang buhay na napakahalaga. Hindi niya tinangkang tumawad sa Diyos o humingi ng karagdagang impormasyon. Hindi rin niya tinimbang ang mga kalamangan at kahinaan nito. Sumunod siya sa Diyos nang wala pagdadalawang-isip.

Nais kong isipin na kaya kong isuko ang aking buhay tulad ni Maria, ngunit nais ko pa ring pamahalaan ito. Bakit kaya ang ugali natin ay mag-alinlangan sa Diyos sa mga bahagi ng ating buhay na napakaimportante? Tayo ba ay nagdududa sa kabutihan ng Diyos? O di kaya ay wala lang talaga tayong pananalig sa Kanya sa panahon ng kawalan ng katiyakan?

Ano kaya ang nasa loob natin kung bakit gusto nating manatili sa pamamahala ng ating buhay sa halip na lubusang isuko ito? Gusto kong makarating sa puntong masasabi ko nang walang pag-alinlangan na, “Ang IYONG kaharian ay narito na. Ang IYONG kalooban ay mangyari.”

Lahat tayo ay naghahanap ng kapayapaan. Sa panahon ng walang katiyakan, gusto nating magkaroon ng bagay na magbibigay-katiyakan, bagay na mapagtatayuan at makakaramdam tayo ng kaligtasan. Si Cristo ang nagbibigay ng pag-asang ito sa panahon ng kawalan ng katiyakan, at Siya ang nagbibigay sa atin ng katapangan na lumakad nang walang alinlangan patungo sa ating hinaharap—tulad ni Maria. Dahil kasama natin ang Diyos.

"Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki,
at tatawagin itong Emmanuel" (na ang ibig sabihin ay "ang Diyos kasama natin"). – Mateo 1:23

Leah Selby
Care Network

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org