Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Karunungan mula sa mga Pantas"
Ang aking mga batang anak na lalaki ay may Fisher-Price Little People Nativity Set na karaniwan naming inilalabas kasama ang iba naming mga dekorasyon sa Pasko bawat taon. Isang karangalan ang paggawa ng unang pag-aayos ng pinakamamahal na belen na ito sa bahay. Mayroon ito ng mga kinagawiang tauhan: si Maria, si Jose, ang sanggol na si Jesus, mga pastol, mga baka, mga tupa, at ang umiilaw na anghel.
Pagkatapos ay naroon din ang mga pantas. Habang karaniwang nakikita ang mga pantas sa mga belen tulad ng sa amin, marami ang naniniwala na wala sila sa kapanganakan ni Jesus. Maraming mga katanungan ang naiisip tungkol sa pangyayari, ngunit ako ay hinihimok at hinahamon ng kanilang kwento. Ang mga pantas ay ginabayan upang mahanap at sambahin ang bagong ipinanganak na Hari. Sila ay tumugon sa isang pagtawag sa kanilang buhay.
Ako ba'y konektado at namamalagi sa piling ni Jesus upang marinig ang pagtawag Niya sa aking buhay? Tutugon ba ako?
Determinado ang mga pantas na sambahin ang bagong Hari. Sila ay naglakbay galing sa Silangan, na siguro ay kasinglayo ng Yemen o Tsina, na ang huling destinasyon ay ang Bethlehem. Bago pa ang mga eroplano, mga tren, at mga sasakyan, ang kanilang paglalakbay nang higit 1,000 milya ay marahil umabot ng dalawang taon. Hindi naging maginhawa o madali ang paglalakbay, ngunit sila ay nagtiyaga upang sambahin ang sanggol na Hari.
Ako ba ay disiplinado at determinado sa aking araw-araw na paglalakad kasama si Jesus?
Ang mga pantas ay napuno ng ligaya sa pangakong natupad tungkol sa isang Mesiyas at hindi na nagdalawang-isip sa pagdating ng bagong ipinanganak (at maaring bata na) na hari.
Ang aking kaligayahan ba ay nawawala sa tuwing ang Kanyang plano ay iba sa aking iniisip?
Sinadya ng mga pantas na ang kanilang mga regalo ay karapat-dapat sa isang hari.
Anong regalo ba ang dala ko para kay Jesus? Nakukuha ba Niya ang aking pinakamabuting regalo o mga tira na lang?
Ang mga pantas na ito ay matatapang. Pagkatapos mapanaginipan ang isang babala tungkol kay Haring Herodes, sila ay matapang na sumuway sa kanyang mga utos at inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay. Si Herodes kalaunan ay nagbigay ng utos na patayin lahat ang mga sanggol na may edad na dalawang taong gulang pababa. Nakakasiguro ako na ang utos ng kamatayan ay ibinigay din niya sa mga pantas.
Paano ba ako magiging mas matapang sa aking paglalakad kasama ang Diyos? Ang aking buhay ay hindi nanganganib sa tuwing malakas ang loob ko sa aking pananampalataya, kaya bakit ba ako matatakutin?
Salamat, Panginoon, sa magandang halimbawang iniwan ng mga pantas. Tulungan mo akong alalahanin ang kanilang matapat na pagsunod sa Iyo sa tuwing makikita ko ang belen ngayong panahon ng Pasko.
Heather Judd
UpStreet

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org