Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Isang Mapagpasalamat na Puso"
Ilang taon na ang nakakaraan, malapit na ang Pasko ngunit hindi ko "nararamdaman" ang Pasko. Wala akong ganang magdiwang. Ang buhay ko ay napunta sa di ko inaasahan, at ako ay nahihirapang tanggapin ang "new normal." Ang aking asawa ay naging pasyente sa pagamutan at ang aming relasyon ay wala nang katiyakan. Gayunpaman, may apat akong anak na mga babae na gustong-gusto magdiwang.
Ang hiwaga ng Pasko ay nasa kanilang mga puso at ang paghanga ay nasa kanilang mga mata. Kaya may pagpipilian ako. Maaaring piliin kong ituon ang aking atensyon sa mga hindi magandang nangyayari o piliin ang kaligayahan. Maaari kong piliin na maging mapagpasalamat sa lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa aking buhay. Ang kaibigan kong si John Woodall ay kadalasang nagsasabi na ang mga pangyayaring mabuti at mahirap ay tumatakbo sa magkatabing daanan. Napakatotoo nito! Paano ba mamumuhay nang may pangyayaring mabuti at mahirap? Sinasabi ng 1 Mga Taga-Tesalonica 5:15–28, “Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”
Isang praktikal na bagay na ginawa ko noon ay ang paggawa ng listahan ng mga bagay na dapat kong ipagpasalamat. Sa simula, ang nabigo kong puso ay nakakaisip lang ng mga simpleng bagay tulad ng aking kalusugan, kalusugan ng aking mga anak, aming tahanan, aking trabaho, aking maliit na grupo, mga kaibigan ko, pamilya ko, at iba pa. Subalit nang ako ay nagpatuloy sumulat, naisip ko na ako ay nagpapasalamat sa mga taong nakilala ko dahil sa kahirapang dinanas ko.
Oo, mahirap ang mga pangyayari, ngunit pagkatapos kong pag-isipan ang mga bagay na dapat kong ipagpasalamat, nagsimulang magbago ang puso ko. Nagsimula akong makaramdam ng kapayapaan at nasabik na magdiwang ng Pasko kasama ang aking mga anak. Naunawaan ko na KASAMA KO ANG DIYOS at lahat ng ginawa Niya ay PARA SA AKIN. SIYA ang nagbigay ng lahat ng mga bagay na aking pinapasalamatan sa aking listahan. At may balak Siyang mabuti. Maaari akong "manatiling hindi kumikilos" na may mapagpasalamat na puso.
Ano kaya ang dapat mong ipagpasalamat ngayong Pasko? Nakakahanap ka ba ng kaligayahan sa paghihirap? Makakaya mo bang mangibabaw sa mga hindi magagandang pangyayari sa buhay mo at tumuon sa lahat ng mga mabubuting nagawa ni Jesus para sa iyo? Ano kaya ang hitsura na isuko lahat ng mga pasan mo kay Jesus upang ikaw ay maging mapagpasalamat sa lahat ng mga mabuting nangyayari sa iyo?
Jenny Boyett
Assimilation

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org