Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 25 NG 25

"Ipinanganak Na Wala"

Sa wakas ito na . . . ang Araw ng Kapaskuhan! May pagka-espesyal na hiwaga itong pinaka-espesyal na araw, hindi ba? Bakit kaya? Dahil ba sa mga regalo, dekorasyon, handa, at pagtitipon-tipon ng mga kaibigan at pamilya? Oo, pero mayroong higit pa . . .

Dahil sa araw na ito, sa buong mundo, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Tagapagligtas!

Sabi sa Isaias 9:6–7, pwedeng akalain na ang tinutukoy ng propeta ay ang kapanganakan ng isang hari sa lupa, na may kasamang pagdiriwang, parada, at mga pista! Pero ang Diyos ay may ibang plano. Si Jesus, ang Mesiyas, ay hindi ipapanganak na may pagdiriwang ng isang bayani. Ipapanganak Siya sa kawalan. Hindi Siya ipinanganak na may yaman, kapangyarihan, o pribilehiyo. Hindi man lang Siya ipinanganak sa loob ng bahay, kundi sa sabsaban, pinapaligiran ng mga alagang hayop, sa isang batang nanay na hindi pa kasal. Hindi Siya ipinanganak na parang hari.

Isaias 53:2–3: "Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, walang taglay na pang-akit para siya ay lapitan. Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap. Wala man lang pumansin sa kanya.
Binale-wala natin siya, na parang walang kabuluhan.”

Hindi bayani. Kundi isang wala. Ngunit iyon ang kinang ng panghuling regalo ng Diyos sa atin: ang totoong kagandahan, lakas, at diwa ng ating Tagapagligtas ay magiging maliwanag sa pamamagitan ng Kanyang katuruan, pagkahabag, pag-ibig, at, sa huli, ang Kanyang sakripisyo.

Si Cristo ay dumating sa lupa sa pinakamababang kaparaanan para maranasan Niya mismo ang ating mga kaligayahan, sakit, pagnanasa, at kalungkutan. Inilalagay tayo nito sa isang patas na kalagayan.

Kaya, ngayon, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Hari—hindi basta hari. Ang Hari ng mga Hari, na kayang umunawa ng ating pinakadakilang kaligayahan at pinakamalalim na kasakitan. Parang mayroong nagsasabi sa akin ngayon, na nararanasan mo ang ganoong mga emosyon.

Posibleng ang araw ngayon ay mapuno ng kaligayahan. O posible rin na ngayong araw ang pinakamahirap na araw ng taon. Ngunit sa mata ng ating Ama sa langit, hindi ka wala at hindi magiging wala magpakailanman. Ikaw ay mahalaga, iniibig, at ikinagagalak na anak ng Diyos, at ikaw ay nilikha sa Kanyang imahe. IKAW ay regalo sa Kanyang mata, at ang panalangin ko ay makahanap ka ng kaaliwan sa ganyang katotohanan.

Ang kapayapaan ni Cristo ay mapasa-iyo sana ngayon, at Maligayang Pasko!

Reid Greven
Media

Banal na Kasulatan

Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org