Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 17 NG 25

"Tahimik . . . Dahil sa Ingay"

Gustong-gusto ko ang mga musika ng Pasko. Ako ang taong handa nang makinig sa mga Pamaskong album nang paulit-ulit pagkatapos na pagkatapos maubos ang huling kagat ng Christmas pie. Kukunin ko alinmang Pamaskong album ang meron ka! Elvis ba ''to? Mariah Carey? Ang Beach Boys? Justin Bieber? Basta pindutin lang ang “Play.”

Isa sa mga pinaka-paborito kong awitin anuman ang panahon ay “Silent Night.” Isa itong malinaw na paalala ng kapanganakan ng ating Tapagligtas . Ipinapaalala rin sa atin nito ang epekto ng Kanyang pagdating sa lahat ng nilalang. Ito ay awit ng mabuting balita para sa bawat isa sa atin!

Ang pagsilang ni Cristo ay ang bukang-liwayway ng biyaya na sa huli ay may kapangyarihang tubusin ang bawat isa sa atin. "Tahimik na gabi, banal na gabi, Anak ng Diyos, dalisay na ilaw ng pag-ibig. Nagniningning na mga sinag mula sa Iyong banal na mukha. Sa bukang liwayway ng biyayang tumutubos. Jesus, Panginoon, sa Iyong pagsilang..."

Isa itong kantang pampatulog. Isa itong paalala na lahat tayo ay maaring "matulog sa mala-langit na kapayapaan" dahil dumating na ang ating Tagapagligtas. Pero huwag kayong malito, mga kaibigan. Ang gabing iyon ay hindi tahimik! Una sa lahat, mayroong bagong silang na sanggol na umiiyak. Alam nating lahat na hindi iyon tahimik. Pero higit na mas maingay sa umiiyak na sanggol ay ang maraming sundalo ng kalangitan na nagpakita at sumigaw ng pagpupuri sa bagong silang na Hari.

Nakikita mo ba sa isip mo ang eksena? Malamang matindi ito! Talagang napakaingay nito. Nang ang Tagapagligtas ng Mundo ay dumating sa eksena, isa itong pagdiriwang sa langit at lupa. Wala nang gaganda pang balita para sa sangkatauhan kaysa sa kapanganakan ni Jesus.

Sa buwang ito ng Disyembre, may pagkakataon tayong magnilay tungkol sa kadakilaan ng araw na iyon sa Bethlehem. Isa itong araw ng maingay na pagdiriwang at pagpupuri. At sa ganito ring panahon, maaari tayong magpahinga nang payapa at tahimik ngayon dahil dumating na ang ating Tagapagligtas. Tingnan ninyo, magkakaroon lang tayo ng kapayapaan at katahimikan dahil sa ingay.

Stuart Makinson
Married Groups  

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org