Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
“Anong mga Inhibisyon?”
Ang panahong ito ng taon ay sobrang SAYA! Maraming katuwaan at pag-asa. Puno ng kagalakan sa paligid. Sa paglabas ko, napapansin ko ang mga ngiti sa mukha ng mga tao, lalo na sa mga bata. Wala nang hihigit pa sa kagalakan ng isang bata.
Napansin mo ba? Hindi nila ito pinipigilan. Makikita mo ito sa kanilang mga katawan. Mula sa kanilang mga ulo hanggang sa kanilang mga daliri sa paa, sinasabi ng kanilang katawan sa iyo kung ano ang kanilang nararamdaman!
Ang kahulugan ng “Magalak” ay maging masaya, malugod. Tapos nakita ko ang mga kasing-kahulugan tulad ng kaligayahan, magdiwang, at magpakasaya. Naisip ko na siguro mas naiintindihan ng mga bata ang MAGALAK kaysa sa akin! Hindi ko alam kung kailan ko huling hinayaan ang aking inhibisyon at basta lamang maging MAGALAK. Ikaw ba?
Nakita ko kung paanong si David at sumayaw sa harap ng Panginoon at umawit ng bagong awit. Nabasa ko ito bilang isang kautusan: “Magalak sa Panginoon.”
Kaya, ang tanong ko: Ano kaya ang hitsura nito sa akin? Sa iyo? Paano kaya tayo maglalaan ng panahon sa panahong ito para hindi hayaang maabala ng listahan ng mga "dapat gawin" sa halip ay MAGALAK mula ulo hanggang sa mga daliri ng paa, hayaang ang buong katawan natin ay magalak sa Panginoon?
Ang dalangin ko sa ating lahat ay hayaan tanggalin natin ang ating mga inhibisyon at sumayaw. Kahit man lamang ngumiti ng todo at humalakhak nang madalas. Umpisahan ang kagalakan!
Amy Walker
UpStreet

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org