Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Ako ay Kung Sino Ako"
Bagaman madalas nating basahin at sabihin, "Ang Panginoon" (mula sa ating mga Biblia), ang orihinal na salin sa Hebreo, na Yahweh, ay literal na nangangahulugang "Ako." Ito ay parehong simple at dakila. Itinataguyod nito ang pagkakaroon at ang aktibong presensya. Ang isa sa mga unang pagkakataong inilalarawan ng Diyos ang Kanyang sarili sa ganitong paraan ay kay Moises pagkatapos niyang tumakas sa Ehipto. Si Moises ay nangangalaga ng kawan ng iba, hindi sigurado sa kanyang hinaharap at ang kanyang kakayahang baguhin ang kanyang sitwasyon. Siya ay isang lalaking tulad mo at tulad ko na nakasalamuha nang personal ang Diyos na siyang Siya, ang totoong "Ako."
Para sa marami, ang kapaskuhan ay panahon para makasama ang pamilya at mga kaibigan at panahon para ipagdiwang ang buhay. Sa isang banda, maaari ding maging isang panahon ito kung kailan ipinapaalala sa atin ang ating mga mahal sa buhay na wala na dito upang magdiwang kasama sila. Ilang taon na ang nakalilipas, nawala ang aking ama matapos ang matagal at masakit na laban sa kanser. May mga oras, nakikipaglaban pa rin ako sa nawala sa aking pamilya at ang pag-iisip na ang aking ama ay hindi kailanman nagkaroon ng kapayapaan nang sandaling nalaman na siya ay may sakit. Walang pagkakaroon ng mga sagot sa mga katanungan kung bakit at paano siya nabalot sa takot at kapaitan. Ngayon, mayroon akong sariling mga tanong na bakit at paano, ngunit natutunan kong magpahinga sa pagkakaalam na naiintindihan ni Yahweh, kahit na hindi ko naiintindihan.
Nag-aalala siya para sa atin, naririnig ang ating mga daing, at may isang plano na higit na nalalagpasan ang ating mga pinakamahusay na pagsisikap. Sa mga pag-aalinlangan, kalungkutan, at takot, sinabi pa rin ng Diyos, "Ako ay kung sino Ako." Siya ang kaginhawaan na kailangan mo. Siya ang gabay na hinahangad mo. Siya ang katotohanan na hinahanap mo. Ngayong kapaskuhan, anuman ang ating mga sitwasyon, maaari tayong magkaroon ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ni Yahweh. Ang sagot sa ating mga papuri, ating pag-iyak, ating pag-asa, at ating mga kinakatakutan ay simpleng "Ako."
Matthew Carroll
Facilities

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org