Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 15 NG 25

“Pagkakataong Pang Habangbuhay”

“Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap" - Juan 10:10

Mayroon akong ikukumpisal. Isa ako sa mga kakaibang tao na sobra ang pananabik sa Kapaskuhan, kahit na ano pang panahon ng taon ito. Mayroon tayong mga paraan para kayanin ang mga ganito. Ang ibang tao ay namimili. Ang iba naman ay kumakain ng matatamis. Ako ay nakikinig sa mga musikang pang Pasko.

Mayroong kung ano sa Pasko na nakakapagdala ng ngiti sa akin. Kaya kapag malapit na ang Pasko, gusto kong samantalahin ito. Parang nagkaroon na yata ako ng FOMO (fear of missing out - pagkatakot na hindi mapabilang) sa Pasko. Gusto kong masigurado na maranasan ko nang ganap ang buong panahong ito, kaya ang Disyembre ko ay puno ng mga pagbisita kay Santa, tiket sa Nutcracker, pamamasyal para masdan ang mga "Chrismas tree", paligsahan sa paggawa ng "gingerbread house", mga eksibit ng mga pamaskong ilaw, konsiyerto ng karoling, lahat na ng sine tungkol sa Pasko, sobrang daming "Christmas party". Hindi katakataka, pagdating ng Enero, handa na ako sa mahabang pagtulog.

Maaaring alam mo ang pakiramdam na ganoon. Kahit na wala namang masama sa mga ito, madali sa akin ang hindi makita ang kagalakan na gustong ipakita sa akin ng Diyos sa gitna ng panahong ito. Sa gitna ng kaabalahan, pinapa-alalahanan ako na alamin, tingnan ang aking paligid, at unawain na ang Diyos ay gumagawa.

Ito ay panahon para ipagdiwang kung ano ang ginawa ng Diyos sa aking buhay, mag balik-tanaw sa nakaraang taon, at pagmasdan ang Diyos sa mga maliliit na bagay sa aking paligid. Sa bawat araw na nakikita ko ang aking sarili sa pananaw ng pananampalataya, pag-asa at pagkakataon, nagpapakita ang Diyos at ginagamit ako sa paraang hindi ko man lamang naisip.

Habang nagpapalipat-lipat ako sa mga kasiyahan, naisip ko na mayroon akong pagkakataon na magpalakas-loob sa iba, magbigay ng halakhak sa iba na nakakaranas ng pagsubok, at maging mapagbigay sa mga taong hindi ko nakikilala. Binago ng kaisipang ito ang pagtingin ko sa Kapaskuhan. Kahanga-hanga kung gaano ko lubos na nakikita ang Diyos kapag talagang naglalaan ako ng oras na pagmasdan kung paano Siya gumagawa sa aking buhay. Sa halip na listahan ng mga petsa sa aking kalendaryo, nakikita ko na kung gaano karaming pagkakataon ang mayroon ako para kilalanin nang higit ang Diyos at maranasan ang kagalakan na inilaan Niya sa akin sa buong taon. Saan gumagawa ang Diyos sa iyong buhay? Anong pagkakataon ang ibinibigay Niya sa iyo ngayong araw?

Leah Selby
Care Network

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org