Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 12 NG 25

“Ilaw”

Pinakapaborito kong bahagi ng telepono ko ang flashlight. Hinahayaan ako nitong pumunta sa isang napakadilim na lugar at pagkatapos ay sasabihing, "Magkaraoon ng liwanag!" Sa isang pindot sa buton, sa isang iglap mayroon nang liwanag. Kapag may ilaw sa aking telepono, puwede na akong magpatuloy palabas ng kadiliman nang may tiwala at kasiguruhan na hindi ako mababangga sa dingding. Mabuting bagay ang liwanag!

Sa palagay ko sumasang-ayon sa akin ang Diyos. Sa katunayan, pagkatapos likhain ng Diyos ang langit at lupa sinabi niya, "Magkaroon ng liwanag." At biglang nagkaroon ng liwanag. Nakita ng Diyos na mabuting bagay ang liwanag, at inihiwalay niya ang liwanag sa kadilliman. Mula noon, nagkaroon na ng napakalaking kaibahan ang liwanag at kadiliman. Sa katunayan, may umiiral na simbolikong tema ng moral na oposisyon na nabuo sa buong Biblia, at nararanasan natin ito sa ating araw-araw na buhay. Ang liwanag ay isang salita at isang kaisipan na ginamit kaugnay ng kagalakan, biyaya, at buhay. Ang kadiliman ay isang salita at kaisipan na iniuugnay sa kalungkutan, paghihirap, at kamatayan. Ang liwanag ay kumakatawan sa kabutihan at ang kadiliman ay kumakatawan sa kasamaan.

Lubhang napaka-malikhain ng Diyos para gamitin ang liwanag, o, sa mas tiyak na pananalita, isang liwanag sa kalangitan, para dalhin ang tao sa pagkatuklas sa ilaw ng Sanlibutan. Alam natin sa kuwento ng Pasko na isang liwanag (tala) ang biglang lumitaw sa langit. Itinuro ng liwanag si Jesus sa mga pantas. Ito ay ang Diyos na muling nagsasabi, "Magkaroon ng liwanag." At ang liwanag ay pinakaganap na mabuting bagay. Ang Liwanag na ipinadala ng Diyos sa sanlibutan ay nagbibigay ng kagalakan sa kalungkutan, pagpapala sa ating mga kahirapan, at buhay sa ating kamatayan. Ang Liwanag ang dahilan kaya ang kabutihan ay nangingibabaw sa kasamaan at malinaw nating makikita ang daan sa pagpapatuloy. Ang pagdating ng liwanag sa sanlibutan ay karapat-dapat lamang para sa NAPAKALAKING pagdiriwang.

Kaya, habang patuloy nating ipinagdiriwang ang hiwaga ng Kapaskuhan, isipin natin ang kabutihan ng Liwanag at hayaang magningning ang ating mga ilaw sa Kapaskuhan at sa buong taon.

Donald Smith
Care Network

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org