Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 13 NG 25

“Ang Kumikilos na Mago”

Sa tuwing umpisa ang Kapaskuhan, tinatanggal ko sa balot ang pinakamahalagang pamana ng pamilya sa akin, isang maliit na plorerang tila baso ng gatas na may masalimuot na pintang-kamay sa loob. Ang maliit na kandila ay nasa loob. Parang nakakabagot, hindi ba? Pero, kapag inilawan, ito na ang pinaka-mahiwagang bagay na mayroon ako.

Ang kamangha-manghang likhang sining sa pinta ay ang tatlong Mago na nakasakay sa kamelyo habang may maliwanag na bituin sa langit. Ang galaw ng apoy ay nagpapakita na tila ang mga imahe ay gumagalaw sa kulay gatas na plorera kung saan nakalagay ang pinta. Noong bata ako, ilang oras akong uupo para panoorin ang pagkilos ng mago patungo sa bituin, hindi ko naisip na ang pagkisap ng apoy ng kandila ang nagdudulot ng ilusyong ito.

Tuwing bisperas ng Pasko, habang ang lahat ay nakahiga na sa kanilang mga kama, uupo ako sa tahimik na dilim at pinapanood ang kislap ng mga gumagalaw na Mago. Pinagmumuni-munihan ko ang mga tunay na Mago na patuloy na naghahanap, nagsasaliksik, nagpapatuloy patungo sa Tagapagligtas ng Sanlibutan.

Papunta ba tayo kay Jesus tulad ng mga Mago? O kumikilos tayo sa sirkulong pinaaandar ng atas na gawain? Ang mga Mago ay may maganda, maliwanag na bituing sinusundan. Ang ating GPS device ay higit na makapangyarihan: Nasa atin ang Espiritu na siyang hindi kailanman magmamaliw na gabay natin papunta kay Cristo. Pero upang hindi tayo kumilos sa walang katapusang sirkulo, kailangan nating ihinto ang "tayo" at hayaan ang ningas ng Espiritu ang magpakilos sa atin patungo kay Jesus.

Hindi binigo ng bituin ang mga Mago. Ito ay banal, inilagay mismo ng Diyos para suportahan ang propesiya ni Mikas tungkol sa lugar ng kapanganakan ng ating Panginoon. Isang katiyakan, hindi tayo bibiguin ng Espiritu ng buhay na Diyos. Dadalhin Niya tayo doon at kung lubos tayong magpaparaya, dadalhin Niya tayo doon nang may kagalakan!

Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na Kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. – Mateo 2:10–11 RTPV05

Ngayong Kapaskuhan at sa lahat ng panahon, panatilihing may liwanag ang Espiritu sa atin! Patuloy na kumilos patungo sa Anak ng Diyos, tulad ng mga Mago. Ano man ang lakbayin, kung ang Espiritu ang gumagabay, makikita ang hangarin at kagalakan sa bawat hakbang sa paglalakbay hanggang sa araw na tayo ay tutungo at sasamba nang harapan sa Hari ng mga Hari!

Beth Pettry
Waumba Land

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org