Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Sinong Jose?"
Binanggit lamang ni Lucas ng dalawang beses ang kanyang pangalan; at ni hindi man lamang binanggit ni Marcos at Juan. Ang kaunting nalalaman natin tungkol kay Jose ay galing sa ilang mga talata ni Mateo —at hindi marami iyon. Alam natin na sapat ang malasakit niya kay Maria na gusto niyang protektahan ito sa nakatakdang panunuya at pagkadusta sa publiko ng isang dalagang nasa kanyang kalagayan.
Alam natin na isa siyang matuwid na lalaki na naniwala sa kung ano ang sinabi ng anghel ng Diyos sa kanya (sa panaginip; lagi sa panaginip) kung kaya siya ay naging masunurin sa lahat ng ipinagawa at ipapagawa sa kanya. Alam natin na dinala niya ang kanyang pamilya sa Bethlehem para sa sensus at naging maparaan sa pagbibigay ng ligtas (subalit aba) na lugar para sa panganganak ng kanyang asawa. At alam natin kung paano niya iningatan ang kanyang batang pamilya mula sa kapahamakan nang tumakas sila sa gitna ng gabi papunta sa Egipto para iligtas sila mula sa galit ni Herodes. Mapag-aruga, nag-iingat, matuwid, naniniwala, masunurin, nagbibigay . . . isang magandang listahan ng mga katangian, kumbaga.
Pero si Jose ay hindi ginawang pangunahing tauhan sa kuwento. Kahit na ang kanyang papel ay mahalaga, naunawaan niya na hindi siya ang punto—kundi si Jesus. Tila siya ang kusang tumabi sa likuran, upang kunin ng pangunahing tauhan ang gitna ng entablado. Ang kanyang papel sa drama ay maging isang likuran sa halip na sa pansin na pansin ng madla. Isa lamang siyang bahagi ng mga tauhang sumusuporta, na tila kinikilala at niyayakap ang katotohanang ito.
Sa katunayan, ang pinakamahusay na ginawa ni Jose—ang pagpapalaki, pag-aalaga, at paggabay kay Jesus sa panahon ng kanyang pagkabata—ay ginawa niya nang walang pagkilala. Walang salitang naisulat tungkol dito maliban sa isang pagkakataon sa templo noong si Jesus ay labindalawang taon pa lamang. Siya ay tago at tahimik na kasama sa paglalahad ng kuwento ng buhay ng Diyos dito sa lupa. Sa maraming bahagi, hindi siya kinilala, hindi pinapurihan, at hindi napansin—at ito'y sadyang maganda.
Ngayong Kapaskuhan, gusto kong maging mas tulad ni Jose—para maunawaan na si Jesus ang punto ng kuwento at para yakapin ang isang tago at gawin ang mga gawain sa likod ng eksena kung saan tayo ay tinawag para tulungang "dalhin siya dito" sa madilim at sirang mundo.
Ryan Gray
Adult Ministries

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org