Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Naantala"
Ang kapanganakan ni Jesus ay isang maluwalhating pagkaantala—isang pagkaantala sa kasaysayan ng mundo. Ngunit sa isang personal at matalik na antas, ito'y isang pagkaantala sa Kanyang mga magulang dito sa lupa, sina Maria at Jose. Nagplano silang magpakasal, ngunit hindi nila binalak ang pagbubuntis na nasa plano ng Diyos. Hindi nila binalak na si Maria ang magdadalang-tao sa Tagapagligtas ng Mundo.
Maging ang pang-araw-araw na gawain ng mga pastol ay naantala ng Diyos—habang sila ay nasa burol at nagbibilang ng mga tupa—ng Kanyang kaluwalhatian!
Lucas 2:13-14: Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”
Sa kabilang banda, naantala ng mga pastol ang inaasahan mula sa kanila at lumisan sila upang hanapin ang sanggol na si Jesus. Ito'y ginawa nila nang kusang-loob—ang mga pastol na iyon ay umalis nang walang paalam dahil inantala ng Diyos ang kanilang nakagawian nang trabaho!
Sa Kapaskuhang ito kung saan tayo ay lubhang abala sa mga gawain para sa Diyos, tiyaking may panahon, lugar, at lakas kang natitira para sa mga hindi inaasahan. Hayaan mong maantala ka ng Diyos! Maaaring gusto Niyang ibahin ang iyong pang-araw-araw na pananaw. Napapagod ka na ba o naging kampante na o kaya naman ay naiinip na sa iyong paglalakbay kasama ang Diyos?
Maaaring napuno ka na sa isang sitwasyon o ng isang tao—napagod ka na. Marahil ay kailangan mong tanggalin na ang maskara na nagpapahiwatig na ang lahat ay maayos at mabuti at kayang-kaya mong gawin. Amen ba? Nais ng Diyos na magkaroon ka ng maluwalhating pagkaantala sa iyong paglalakbay upang itaas ang iyong antas ng kapayapaan at pagiging malapit sa Kanya at sa iyong pagkakilala sa Kanya. Sandaling lumayo sa iyong nakasanayang gawin, sa mga bagay na inaasahan mula sa iyo, at hayaan mong ang isang maluwalhating pagkaantala ay mangyari sa panahong ito!
Jána Guynn
Service Programming

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org