Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
“Plan B”
Gustong-gusto kong nangangarap at gustung-gusto ko ng mga ideya. Yung pag-iisip kung ano ang maaring mangyari ay nagpapabilis ng pintig ng puso ko. Kaya kong umupo ng ilang oras (o mga araw!) sa pag-iisip ng pinakamahusay na paraan para magawa ang isang bagay at kung ano kaya ang maaring mangyari "kung..." Kapag nasa panahon ako ng pangangarap nang malaki, madalas akong nagigising sa gitna ng gabi para isulat ang mga ideya sa papel. Nasasabik akong gumising ang asawa ko para maibahagi ko sa kanya ang plano ko. (Minsan kinukulit ko pa siya nang konti, umaasang magigising siya nang maaga... ang kawawa kong asawa.) Pero kahit na gaano ko kagusto ang mangarap, mas nananabik akong makitang magkatotoo ang mga pananaw ko.
Mga ilang taon na ang nakalipas, ako ang namuno sa isang malaking proyekto sa pag-aayos. Binuo ko ang isang badyet, ginuhit ang mga plano, kumuha ng grupo ng mga taong magtatrabaho, at inumpisahang isagawa ang plano. Hindi ako makahintay! Subalit ang nangyari nang mga sumunod na linggo ay kung ano ang nangyayari sa maraming mahuhusay na plano. Nadiskubre ko na hindi ito ligtas sa mga kamalian. May mga isyung di nalalaman na kailangang lutasin, mga balakid na kailangang lampasan, at gastusin na lumampas sa maingat na inihanda at kakaunting badyet. Kailangang baguhin ang plano. Kinailangan ko ang Plan B.
Karaniwan, ayaw ko ng mga Plan B. Ang paglipat sa isang alternatibong plano ay tila pagkabigo sa akin. Pagtanggap ito na hindi ko lubos na naihanda ang lahat sa umpisa pa lang. Pagpapaalala ito ng mga hindi inaasahang likas naman sa buhay.
Minsan, kapag iniisip ko ang mga bakit sa daigdig, iniisip ko ang tungkol sa plano ng Diyos. Ano kaya ang orihinal Niyang ideya? Mayroon kaya Siyang nakatakdang panguhahing plano na hindi naging matagumpay? Lumikha kaya Siya ng isang mundo kung saan ang sangkatauhan ay maaaring mabuhay ng masaya sa hardin subalit pagkatapos ay nagulo ito? Pangalawang pagpipilian kaya ng Diyos si Jesus? Plan B kaya si Jesus?
Ngayong panahong ito, habang ang bahay ko ay nag-uumpisa nang kuminang dahil sa mga ilaw at nagdedekorasyon ako ng isang salang ng mga biskwit na perpekto ang pagkakahugis, ipagdiriwang ko rin ang kapanganakan ng aking Tagapagligtas. Ang munting sanggol na ito, isinilang ng isang birhen sa syudad ng Betlehem, ay ang maingat na pagpapakita ng Diyos ng Kanyang perpektong pangunahing plano. Ang pagtubos sa sangkatauhan ay hindi isang naisip lamang o gamot sa isang planong nagkamali. Si Jesus ang perpekto at mapagmahal na solusyon ng Diyos. Ang sanggol na ito ang siyang lente kung saan tinitingnan ako ng Diyos. Hindi kailanman Plan B ang sanggol.
Rhonda Hinrichs
Guest Services

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org