Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
"Huwag Matakot"
Ang Pasko ay dapat ang pinakamasayang panahon ng taon; lahat at bawat isa ay handa! May mga pagdiriwang, nakagagalak na tugtugin sa radyo, mga pagkain at regalo. Ngunit, mayroon ding kabilang banda ang panahong ito.
Para sa karamihan sa atin, ang Pasko ay pwedeng panahon ng malalim na kalungkutan at kagipitan at takot. Maaaring ikaw ay namatayan, o nakipaghiwalay sa asawa, o nag-aalala sa gastusin, pati na ang panregalong ilalagay sa ilalim ng Christmas tree. Ang kagipitan para sumunod sa ganitong bersyon ng panahon ng lipunan ay nakapagdudulot ng kalabisan, pagkabalisa at pagkalumbay.
Ngunit, ang ganitong pakiramdam ay hindi natatangi sa kultura natin sa ngayon. Ang pag-aalala at takot ay dati nang nasa kadiliman kahit noong unang Pasko. Ang mga nasa kuwento ng Pasko ay may dahilan para matakot. Sina Jose, Maria, mga pastol, at mga pantas ay namuhay sa isang nakakatakot na mundo na puno ng walang-katiyakan. Alam ito ng Diyos kaya't ipinadala Niya ang Kanyang mensahero, ang anghel na si Gabriel, para ibalita ang Tagapagligtas. Sa tuwing may dalang balita si Gabriel, lagi niya itong inuumpisahan ng, “Huwag kang matakot.”
Ano ang makukuha natin mula rito? Una, siguro ang mga anghel ay nakakatakot nga! Pangalawa, kahit na nakakatakot ang mga pangyayari, may plano pa rin ang Diyos. Kaya't dito makikita ang mahika ng Pasko. Si Jesus, ipinanganak sa sabsaban, sa gitna ng disyerto, sa ilalim ng isang masamang hari, ang magiging pag-asa ng lahat ng tao. Ito ang ating ipinagdiriwang. Kahit ano pa man ang nangyayari sa ating buhay o sa paligid natin, si Jesus ang ating pag-asa.
Jessica Arnette
Care Network

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org